Ch. 19

7.4K 220 7
                                    

A/N:

Alam kong ang tagal kong nawala sa Wattpad world. Nawala ako sa ibang dimension pasensya na o. So heto, bilang peace offering ko. Medyo sabaw pa ang utak ko ngayon pero masasanay rin ako soon. Enjoy Dark! I'll be working on the next update. Sana regular basis na ulit ang pag-update ko. Thanks always for reading!!

Florrence

"Y-yra..."

"Get out of my sight before I tear you into tiny pieces, human." Pumipiyok man si Yra habang sabi iyon ngunit naramdaman ko pa rin ang kakatwang takot sa sinabi niya.

"I am here to talk-"

"Don't be silly. Get out!" Bumalikwas siya ng bangon sa kama, isang segundo lang ay nandoon pa siya sa kama, nakaupo at umiiyak, ngunit ngayon...ngayo'y nakatingin na ako sa mababangis niyang mga mata. Magsasalita sana ako nang walang pasabi niya akong binalya sa pinto. Hawak niya ng mahigpit ang aking leeg, nararamdaman ko ang matutulis niyang kuko na unti-unting bumabaon sa aking balat. Iniangat niya ang katawan ko mula sa sahig at dalawang beses pa niyang binalya ang katawan ko sa pinto.

"I... I can understand your pain, Yra." Pilit akong kumakawala sa mahigpit niyang pagkakasakal sa akin, pero alam kong walang silbi kahit na manlaban man ako. She is a werewolf. And me? I am just this fragile human being. Nanlalabo na ang aking paningin. Lahat ng nasa paligid ko ay umiikot na, pati ang piguring anghel na nasa tabi ng higaan ni Yra ay parang umiikot na rin.

Nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Tinititigan lang niya ako sa mga mata, wari'y nababasa niya doon ang kung anumang laman ng aking isipan. "Don't make me laugh, Florrence." Unti-unti niyang pinaluwagan ang pagkakasakal niya sa leeg ko. Naramdaman ko ang pagsayad ng aking mga paa sa sahig.

She let go of me.

Naglakad patungo sa kabilang bahagi ng silid si Yra kung saan makikita ang sliding door na nagko-konekta sa kwarto ni Yra at ng veranda. Walang pasabi niyang binasag ang salaming pinto bago palundag na lumabas ng silid.

"Yra!"

"Florrence!" Magpakanabay na sigaw ko at ng kakapasok lang na si Tyrone.

Napalingon ako sa gawi ni Tyrone at nakita ang madilim na ekspresyon ng kanyang mukha. Napakunot ang aking noo dahil sa galit na nababanaag ko sa kanyang mata. Tatanungin ko sana siya kung may nangyari bang problema ngunit nahila na niya ako papunta sa kanyang likuran. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko na para bang pinipigilan akong tumakbo.

"What did you do?!" Pasigaw niyang tanong.

"H-huh?" Nagtataka kong tanong kay Tyrone. Ano bang ginawa ko? Dahil ba sa pagtatanong ko kay Yra? Dahil sa pamimilit ko sa kanya? "I'm just worried about-"

"Take that eyesore out of my room, Tyrone." Narinig kong utos ni Yra. Hindi ko malaman kung bakit nalungkot ako sa sinabi niyang iyon. I am genuinely worried about her.

"Shut it down, Tyrone. Hayaan muna natin si Yra." Bulong ko kay Tyrone mula sa likuran niya.

"We came all the way here because she was worried about you, bitch!" Sigaw-tugon ni Tyrone kay Yra. Kung hindi ko lang siguro hawak ang kamay ni Tyrone pakiramdam ko ay kanina pa niya nasakal si Yra. Mahigpit na mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Alam kong nagpipigil lang din si Tyrone, but given the chance alam kong kanina pa niya nasakal si Yra.

"I don't need your sympathy. " Malamig na tugon ni Yra sa amin ni Tyrone.

"I can kill you for what you've done to her." Kung titingnan mo ay kalma lang ang ekspresyon ng mukha ni Tyrone ngunit alam ko na may kalakip na panganib ang mga katagang iyon. I really don't want a fight to break out. Magulo pa ang sistema ni Yra dahil sa nangyari sa kanya.

Tyrone: Dark Series Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon