Next Assignment

2.3K 79 49
                                    

"O, Lil, bakit parang hindi maipinta ang mukha mo diyan?" Adela laughingly said bago magbeso sa kanyang best friend at para kunin ang baby na karga karga nito. "How are you, my baby?" she cooed at little Addison Grace.

"Hay naku, nakakaimbyerna lang kasi!" Lilian rolled her eyes as she picked up her phone and started playing around with it.

"Ang alin? Pwede ba, huwag kang magsungit dyan, baka mahawa ang inaanak ko," Adela laughed.

"Ada, nakakaimbyerna kasi ang papansing Danica na yun at ang kanyang mga shungang fans."

"Hala! At ano naman ang ginawa sa yo ni Danica?" Adela laughed.

"Not me, you! Grabe! Paawa ang drama ng ex ni Geoff na yan ha! At ang mga fans naman nya, ang dami ng sinabi tungkol sa yo!"

"Relax, alam naman natin ang totoo."

"Oo nga, pero hahayaan mo na lang ba ang mga yun?"

"Di ko naman kilala yung mga yun."

"Eh si Danica?"

"Lil, come on. Do you really think I'll let her petty mind games break me and Geoff up? We waited too long to be together again. Oo, we're still in the re-learning about each other stage, pero kaya nga dapat mas maging matatag kami in the early stages. Maayos na nakipaghiwalay sa kanya si Geoff. Oo, naiintindihan ko sya, masakit....babae din ako. Pero mahal ko si Geoff. Hindi ko pwedeng sayangin ang second chance na to dahil lang may mga nanggugulo sa social media."

"Aba, aba," Lilian smirked and crossed her arms. "Palaban na talaga ang Ada ko. Very good. Proud of you, best," pumalakpak pa si Lilian to prove her point. "Ano kaya at i-reto mo na lang yun kay Papa Ethan at ng mahimasmasan?"

"Loka loka!" natawa na lang din si Adela. "Ikot ikot lang?"

"Pero seriously, kamusta naman ang family reunion?" tanong ni Lilian bago tumawag ng waiter para kunin ang order nila.

"Okay lang naman....awkward, syempre. Pero it was a lot more calm than I expected. Well, Ethan needs time to process it, pero he's levelheaded and smart. I know he can get past this."

"Ah kaya pala may yakapan blues na ganap sa harap ng resto?" nahinto ang kwentuhan nilang dalawa ng may lumapit ng waiter para kunin ang order nila. Nang makaalis ito, pinakita ni Lilian ang picture nilang dalawa ni Ethan kay Adela.

"May ganyan?" namilog ang mga mata ni Adela sa nakita.

"Yes, my dear. Kaya nga up in arms ang mga fans ni Danica, di ba?"

"Well, wala namang masama sa picture na yan...he's my friend, and I was comforting him. Nilalagyan lang nila ng malisya."

"Of course I know that, pero yan nga ang sinasabi ko sa yo."

"Sige, wawarningan ko si Geoff. Sya naman ang mas dehado dito eh."

"Okay, so mabalik tayo...kamusta ang magkapatid?"

"Well, let's just say I don't think they'll be best friends anytime soon."

"Ikaw kasi eh...ang haba ng hair mo!" Lilian stuck her tongue out at her friend.

"Loka loka!" tumawa na lang ng malakas si Adela.

"Kelan ang alis mo?"

"Di ko pa alam kung nasaan ang next assignment ko eh. Dapat nga nasa LA na ko ngayon kaya lang dumating nga si boss di ba? Waiting for further instruction lang muna ako."

"I don't think Geoff will like it na aalis ka nanaman."

"Pareho lang naman kami ng trabaho. Buhay suitcase, ika nga."

Begin Again #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon