Everything Will Be Fine

3.8K 74 80
                                    

"Best, kamusta ang date?" tanong ni Lilian sa best friend nya habang gumagawa sila ng homework the day after Adela and Geoff's big date.

"Ayun..." kinikilig na sabi ni Adela.

"Anong ayun?" Lilian shook her friend's arm.

"Ayun...masaya.  Ang sweet sweet nya talaga, Best.  Sya yung nagtreat for dinner and kulang na lang nga subuan nya pa ako, grabe talaga," Adela recounted while smiling.  "Tapos dun sa sinehan, nakaakbay na nga, nakahawak kamay pa kami...parang mawawala naman ako eh nasa tabi nya na nga ako.  Feeling ko talaga ang ganda ganda ko kahapon, Lil.  As in pinagtitinginan sya ng lahat ng babaeng nakakasalubong namin, pero sya, parang ako lang talaga ang nakikita nya.  Sobrang focused, ganun..."

"Best, hinga!" sabi ni Lilian.  "Dahil ako na muna ang titili!" biglang sumigaw si Lilian.  Tinapalan naman agad ni Adela ang bibig ni Lilian with her hand.  

"Shhhh!  Buti na lang wala si mama dito ngayon!" natatawang sabi ni Adela.

"Eh kasi naman, Ada, ang mga ganap, wagas!  Ano nga ba ulit ang  pinanood nyo?"

"Something with a giant monster," Adela shrugged.

"Ganun?!  OMG, hindi ka nanood no!  Don't tell me nag muah muah tsup tsup lang kayo the whole time!" Lilian's eyes grew large.

"Shhhh!  Lil, ano ka ba!" Adela's eyes also grew large.  "Hindi!  I mean, so sobrang kilig ko, wala na akong matandaan.  Pero if you ask me what it felt like with his arms around me, THAT, I can tell you," Adela laughed.

"Adik!" tumawa rin si Lilian.  "So...ano ang feeling?"

"Heaven."

"Ayieeeeee!  Ikaw ha, bibigay na yan!" Lilian nudged her.

"Hindi pa naman.  Sabi ni mama na wag daw akong padalos dalos, so I'm trying to take her advice.  I just want to be sure.  I mean, sa totoo lang, madali lang sabihin kay Geoff na 'Yes, I will be your girlfriend.'  Sobrang dali.  But I don't want to say yes just because I'm blinded by his good looks.  I want to say yes because of his good heart."

"Eh kamusta naman ang good heart ni Papa Geoff?"

"Ikaw, ano sa tingin mo?"

"Best, sinabi ko na sa yo before di ba na iba na ang tingin ni Papa Geoff sa yo the first time pa lang kayo nagmeet?  As in napansin ka na rin nya before.  And pursigido naman sya na manligaw sa yo kahit na pakipot ka pa," Lilian stuck her tongue out at 

"Lil, naman, hindi naman ako nagpapakipot," she pouted.

"Ito naman, joke lang.  Syempre, nakakahanga din si Papa Geoff; I'm sure hindi pa yun nanliligaw in his whole life, and kung nanligaw man, siguro mga few hours lang," tumawa si Lilian.

"You're right.  Siguro ganun lang nga," tumawa na lang din si Adela.

Begin Again #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon