In Shock

2.3K 81 47
                                    

Pagbaba ni Adela from the stage ay nakita nyang napatayo na si Vera at nagmadaling naglakad palabas at papunta sa banyo. Sinundan ni Adela si Vera kasi nakita nya itong namumutla. She jogged to catch up to Vera and called after the older lady.

"Tita!"

"Oh, Ada..." Vera spun around to face the younger woman.

"Okay ka po ba? Mukha po kasing maputla kayo," Adela rubbed Vera's back.

"Kailangan ko lang siguro magpahangin."

"Tubig po?  Kuha ko kayo?"

"Hindi, okay lang ako, Ada.  Salamat na lang, anak."

"Sige po, Tita, alalayan ko na lang po kayo hanggang ready na kayo bumalik sa loob."

"Sa totoo lang, may nakita kasi akong tao na akala ko ay hindi ko na makikita ulit."

"Saan po?  Dun po sa party?"

"Oo," Vera nodded slowly.

"Sino po?  Ang dami pong tao dun," ayaw naman maging chismosa ni Adela pero nacurious na sya sa sinabi ng mama ni Geoff.

"Ang ama ni Geoff," pag amin ni Vera sa dalaga.

"Ano po?!  Buhay po ang papa ni Geoff?" nagulat na tanong ni Adela.

"Oo," Vera held Adela's hand tightly.  "Yung boss mo...si Richard Adamson, sya ang ama ni Geoff."

"Po?!" nagulat na talaga si Adela.  What a small world!  "Si Richard Adamson po talaga ang ama ni Geoff?"

"Oo.  Hindi pa alam ni Geoff.  Ayoko naman ilihim sa kanya, pero alam ko pag nakita ako ni Richard, mamumukhaan nya ako...unless magkunwari syang hindi nya ako kilala," Vera said bitterly.

"Tita, hindi naman sa nagmamagaling ako dahil wala akong alam sa history ninyo ni Richard, pero sa pagkakakilala ko sa kanya, mabait naman po sya.  He was the one who took a chance on me and gave me my big break."

"Hindi ko naman sinisiraan ang boss mo sa yo, Ada, pero syempre, may mga nangyari sa amin na hindi naman talaga maganda.  Pero hindi ko naman pinagsisisihan na minahal ko sya dahil may Geoff ako ngayon, ang pinakamapagmahal na anak sa buong mundo," Vera smiled.

"Oo nga po, Tita.  Sobra po kayong mahal ni Geoff."

"At sobrang mahal na mahal ka rin ni Geoff," Vera took a chance and told her what she wanted to say.

"Tita..."

"Ada, alam ko naman na may Ethan ka na, pero syempre, ikaw ang gusto ko para sa anak ko, so ilalakad ko sya, pero hindi naman kita pipilitin na balikan si Geoff.  Sinasabi ko lang ang totoo.  Na minahal ka nang anak ko dati at hanggang ngayon, mahal ka pa rin nya."

Biglang namutla si Adela at tinakpan ang kanyang bibig gamit ang isang kamay.  She looked straight ahead as if in a daze, at umiling iling pa.  "Patay."

"Adela, anong nangyayari?  Ikaw naman na ang namumutla ngayon."

"Si Ethan po...anak po sya ni Richard.  That means...magkapatid sila ni Geoff."

"Ay, oo nga!  Hindi ko naisip yan," Vera looked at the younger woman.  "Kaya pala napansin ko na medyo may similarities ang features ni Ethan at ni Geoff."

"Tita..." Adela was at a loss for words.  Mas lalo pang lumiit ang mundo nya.  Feeling nya ay hindi na sya makahinga sa natuklasan.  Oo, bago pa lang ang relasyon nila ni Ethan at sa totoo lang, sinagot nya lang ito para pangontra kay Geoff, pero bigla syang nanghina.  Ayaw naman nyang gamitin si Ethan para lang layuan sya ni Geoff, especially now na natuklasan nyang magkapatid sa ama pala ang dalawa.

Begin Again #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon