Sssh.15

52.9K 536 80
                                    

••Dedicated sa pinakamamahal kong si GANDA wihi. :3 Pasensya po kung now lang ako nakapag-Update ah. Naging Super Duper Busy lang talaga ako last week. Anyways, babawi ako ng mga Updates basta ba maganda lagi ang Feedbacks hihi. Kk? :) Enjoy reading~

BTW naka-MOBILE lang ako kaya dikit dikit, ayusin ko na lang pag-OL ko sa lappy.

***

[THIRD PERSON's POV]

Habang busy lang sa pagmamaneho si Rave, bigla namang may nakaagaw ng atensyon ni Venice sa labas.

Nanlaki ang dalawa nyang mata sa nakita nya.

Sakto at nag-Red yung STOP LIGHT, kaya naman ay todo tingin sya doon.

"What are you looking at?" kunot noong tanong ni Rave kay Venice habang nakatingin na rin ito sa direksyon kung saan nakatingin si Venice.

Pero hindi sumagot si Venice at seryoso lang syang nakatingin doon.

"Yung kotseng yun..." bulong na sabi nya.

"What did you say Nadine?" Tanong ulit ni Rave.

"Y-yung kotseng yun! K-kilala ko kung kanino yun. T-teka Rave pwede bang bumaba?" medyo nagpapanic na sabi ni Venice habang inaalis nya yung seatbelt nya.

Lalong kumunot naman ang noo ni Rave at pinigilan nya si Venice sa pagtanggal ng seatbelt nito.

"Is there any problem Nadine? You can tell me."

"W-wala.. Kailangan ko lang talagang bumaba. T-teka wag mo muna paandarin!" sabi ni Venice sabay tingin ulit dun sa kotseng pamilyar sakanya na nakatigil sa tapat ng isang Hotel.

Pero biglang nag-Green light na kaya naman ay pinaandar na kagad ni Rave yung kotse nya para hindi na makababa pa si Venice.

"T-teka! Ihinto mo!" sigaw ni Venice habang hinahabol nya ng tingin yung kotse.

Pero hindi na lang pinansin ito ni Rave at mas lalong pinaandar ng mabilis yung kotse.

Bago pa man maglaho sa paningin ni Venice yung kotseng pamilyar sakanya ay mas lalong nanlaki ang mga mata nya ng makita nya yung taong bumaba nung kotse.

"L-law? At... Si O-Olene?" nauutal na bulong nya.

Napasandal na lang sya sa kinauupuan nya habang nakatulala. Iniisip pa rin nya kung totoo bang nakita nya talagang sila Law at Olene yun.

"Nadine?" tawag ni Rave habang pasulyap sulyap ito kay Venice at sa dinaraanan nila.

Pero hindi sumasagot si Venice at nakatulala pa rin sya doon.

"Hey..." mahinahong sabi ni Rave sabay hinawakan nya yung left hand ni Venice.

Sa ginawang paghawak ni Rave sa mga kamay nya ay bigla naman syang natauhan at napatingin sya kay Rave.

"Please smile. I hate seeing you sad." sabi ni Rave habang hinahaplos nya ang kamay ni Venice.

Napatingin naman si Venice sa kamay nya nahinahaplos ni Rave.

Bigla nanaman syang may naramdamang kakaiba na parang nag-tigthen ang muscles nya sa kanyang tiyan at napasinghap sya.

Napansin naman ito ni Rave kaya naman ay binitawan mya ang kamay ni Venice.

"Sorry."

"O-okay lang." ilang na sagot ni Venice sabay napatingin na lang ulit sa labas ng bintana.

Mga ilang minuto ulit silang tahimik, maya maya pa nagring ang celphone ni Venice.

"H-hello?" sagot ni Venice sa kabilang linya.

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon