Sssh.1

100K 967 77
                                    

READ AT YOUR OWN RISK!~

 ***

[Venice's POV]


Nandito ako ngayon nakakulong sa kwarto ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pilit kong inaalala kung ano ba talagang nangyari kagabi. Kinuha ko ang unan ko at itinaklob sa mukha at pagkatapos ay sumigaw doon.

Bakit wala akong maalala? Sobrang nalasing ba talaga ako kagabi?


*FLASHBACK*


Start na ng Summer vacation namin. At sa pasukan graduating na ako sa High School. Ang saya saya lang kasi pagdating ng College, magkakasama pa rin kami ng bestfriend kong si Olene.


"Nandyan na pala ang boyfriend mong mayabang! Tsk, mag-iingat ka dyan ah. Kahit pa sabihin natin na mahigit na 2 years na kayo, nasa College sya at maraming babae doon." paalala nanaman sakin ni Olene.


"Ano ka ba? Hindi naman nya magagawa 'yun ano! Tsaka malaki ang tiwala ko sakanya at pati na rin si Mama." sabi ko.


"Tsk, basta ingat ka lang." pag-uulit niya.


Pagkalabas naman ng gate ng school, sinalubong na ako ni Law. Ang napakagwapo kong boyfriend. Nasa 3rd year College na sya. Sobrang layo ng agwat namin. Pero pinayagan naman ako ni Mama na maging boyfriend sya kasi kababata namin sya ni Olene.


"Bye Nice. Uyy, Law! Ingatan mo ang bestfriend ko ah!" sabi ni Olene.


"Ingat din Olene. Sure no problem! Hanggang ngayon ba naman wala ka pa rin tiwala sakin? Mag 2 years na nga kami." pabirong sabi ni Law kay Olene.


"Naninigurado lang ako. Sige na, kita kita na lang sa pasukan!" sabi ni Olene sabay kaway samin bago sya sumakay sa sasakyan nila.


"Tara ihahatid na kita Ney. Kaya lang magku-commute tayo. Sira kasi yung kotse ko. Pinagawa ko pa kanina." sabi sakin ni Law.


"Okay Ney. Para naman maranasan mong mag-commute." pabirong sabi ko.


Nginitian lang nya ako sabay inakbayan habang naglalakad kami papunta sa highway para sumakay ng bus pauwi samin. Kaya lang hindi pa kami nakakalayo ay biglang bumuhos ang ulan. Kanina lang ang ganda ganda ng panahon. 


"Badtrip naman na ulan yan. Wala pa naman akong payong Ney." sabi ko habang itinatakip ko sa ulo yung bag ko.


"Gusto mo doon muna tayo saamin? Hindi ka pwedeng umuwi ng ganyan baka pagalitan ka ng Mama mo." sabi niya.


"Okay sige, magpatuyo muna tayo sainyo." sagot ko habang papatakbo na kami papunta sakanila. Sobrang lapit lang kasi nung bahay nila dito sa school namin.


***


"Grabe! Basang basa na tayo. Hindi nakisama ang panahon." naka-ngusong sabi ko habang pinapagpag ang uniform ko.

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon