Mahiwagang Author's Note - Pakibasa!

33.5K 325 84
                                    

PLEASE READ. WAG TAMARIN. :)

First of, uunahan ko na kayo. Wala pong Book 2! Dejoke lang. Okay seryoso na.

Una sa lahat, gusto ko muna magpasalamat sa lahat lahat ng walang sawang sumuporta sa story ko na ito. Sa mga nagtiyaga, mga nagpuyat and so on.

Alam ko naman na hindi maganda ang gawa ko. Sabi ko nga diba sa bawat Note ko sa simula na "Don't Expect too much" "Ito lang ang nakayanan ko" "Puchu-Puchu lang" At higit sa lahat walang matinong plot ito kaya kung ano na lang an maiisip ko, ayun ang ipopost ko.

YUNG ABOUT SA LAST PART NUNG FINAL CHAPTER... Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung paano tatapusin ang istoryang ito. Kaya ganun na lang ang ginawa ko. I KNOW, I know MADAMIIIII sa inyo ang na-Disappoint, ayaw sa ending, napangitan, nainis etc. Kahit ako naman hindi rin satisfied sa ending na ginawa ko eh.

Kaya nakapagdesisyon akong gumawa ng kasunod, or sequel, or book 2. Sa totoo lang AYOKO ng book 2 eh, pero nung binasa ko ito ulit from Intro to Chapter 55, natawa ako na nainis kasi naman ang dami ko pa lang nalikdangan na pangyayari at higit sa lahat MADAMI AKONG NAIWAN NA MGA TANONG. LALO NA SA NANGYARI SA CHAPTER. Kay Venice. Kaya nagdecide ako na gumawa nga ng book 2.

ITO AH.. Hindi ko kayo pinipilit na basahin ang book ko. Kung ayaw edi ayaw, kung gusto edi gusto. Period! Ang gusto ko lang ay mailabas kung ano man yung gumugulo pa sa lukaret ko na utak. Yung book 2? May mga bagong pangyayari at characters at syempre iba na rin an title. And oh yuh, kaya rin pala ako nakapagdecide na may book 2, kasi yung susunod na mangyayari ay hindi na konektado sa title na HSMS. You know what I mean right? Basta yun!

ABOUT DUN SA COMMENTS SA FINAL CHAPTER... Thank u! Thank you talaga naappreciate ko ang lahat ng yun. Di man ko makapagreply isa-isa basta thank u.

Thank u rin kahit yung iba ang Nega, mas naappreciate ko yun :) Tanggap ko po ang lahat ng yan. Pero sana wag naman sobra sobra na to the point na nakakasakit na. FYI, nakikibasa ka lang po. Kaya konting RESPETO naman sa nagsulat. Hindi nyo ako pinapasahod at HIGIT SA LAHAT hindi nyo ako pinapalamon okay? Ayokong magalit dahil hindi naman talaga ako marunong nun LMAO.

Anyways, thank you talaga sa lahat di ko naman akalain na dadami ang readers nito (peto sa tingin ko ay dahil lang sa BS HAHA charot xD) Sa totoo lang ay nagsimula ang lahat ito sa isang DARE between my Watty Friends. Kaya nagpapasalamat din ako sa dalawang lukaret na yun! XD Hindi talaga ako sanay magsulat ng Non-teen fic eh pero dare nga lang diba so ayun!

UPDATE: Nakapublish na po ang Book 2 (TITLE: HSMS2: Only One You). See it on MY WORKS.

SOFT COPY? Kapag hindi tinamad >.>

NASAN ANG PRIVATE CHAPTERS? Ito paulit ulit na tanong sakin, Hutang na loob sana naman magbasa ng Profile ko diba? Nakalagay po dun na nasa may READING LIST ko yung mga Private Chapters.

AGAIN NAGPAPASALAMAT AKO SA LAHAT. KAYO ANG NAGING INSPIRASYON KO PARA MATAPOS ANG ISTORYANG ITO.

*bow*

Lovelots, 

kimhimee <3

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon