Sssh.50

35.1K 379 31
                                    

[VENICE's POV]

Dumaan ang ilang araw na hindi kami masyadong nagiimikan ni Rave. Minsan nauuna na syang pumunta ng work. Minsan naman pagkauwi ko galing ng school ay wala pa rin siya.

Ilang araw na rin akong kinukulit ni Law. Pero hinahayaan ko lang yun. Ayoko munang mag-isip. Lalong gumugulo lang ang mga pangyayari. Bantay sarado rin ako ngayon ng mga bodyguards ni Rave, pero hinahayaan naman nila akong makasama si Elis. Valentine's Day na bukas pero wala pa akong susuotin. Ni hindi nga kami nagpapractice ni Elis magsayaw para sa intermission number ng whole class namin.

Ang gusto ko lang gawin ngayon ay makita yung matandang lalaki na yun ulit. Gusto ko syang makausap. Mukhang madami syang alam sa nakaraan ko.

Mabilis naman akong nagtalukbong ng kumot ko nang maramdaman ko nanaman ang pagbukas nung pinto ko. Sinasabi ko naman diba, kahit ilang beses ko pang ilock yung pinto ng kwarto ko mabubuksan at mabubuksan pa rin nya yun.

Naririnig ko yung yabag nya na papalapit sa kinahihigaan ko. Narinig ko na may inilapag sya sa bedside table ko. Panigurado gatas nanaman yun. Kapag hindi kasi ako makatulog lagi ako nainom ng gatas.

Napapikit naman kagad ako nang maramdaman kong dahan-dahan nyang inialis yung nakatalukbong na kumot sa ulo ko. Naramdaman ko nanaman ang paghaplos nya sa ulo ko. At kasunod nun ang pagdampi naman ng mga labi nya sa noo ko. Ewan ko ba pero everytime na ginagawa nya yun ay hindi ko mapigilang hindi maiyak. Naiiyak ako kasi ayokong may mangyari sakanyang hindi maganda, kung totoo man yung sinasabi ni Law. Oo Mama ko na yung usapan pero hindi ko talaga kayang paniwalaan na magagawa nya yun. Kilala ko si Rave at alam kong mahal nya ako.

Pagkasara nung pinto ay iminulat ko ang mga mata ko at umupo. Tumingin ako sa may bedside table ko at nakita ko ngang may isang baso doon ng gatas. Kinuha ko ito at ininom. Hindi nanaman kasi ako makatulog. Ilang araw na akong laging nagiisip. Pero kailangang matupad ko yung sinabi sakin ni Rave.

Sakanya lang ako maniniwala.

***

Pagkagising ko as usual wala na siya. Dumeretso ako sa may kitchen at nakitang may iniwan syang breakfast ko. Ewan ko pero napapangiti ako. Kasi kahit na nagkakaganto kami ngayon hindi pa rin nya talaga ako kinakalimutan.

Pagkatapos kong kumain ay pumasok na ako. Bantay sarado na ako ngayon, kaya kahit san man ako pumuta eh parang feeling ko may matang sumusubaybay sakin.

"Hi gurl!" bati sakin ni Elis.

"Psh! Gurl mo mukha mo!" pagtataray ko sakanya at dumeretso na lang sa loob ng classroom.

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon