Sssh.29

45.8K 419 51
                                    

May nakapansin na isa sainyo na parang may sayad daw ata ang mga lalaki sa Story ko na 'to. BWAHAHA Natawa ako dun ateng, eh kasi mana sa Author kaya ganun. May saltik din kasi ako eh wohoho Charot! XD

BTW, itong Chapter na to dito nyo na unti-onting makikilala si Rave! :)

Osya eto na ang Update ko. Enjoy reading~

•••

[THIRD PERSON's POV]

Halo halo ngayon ang nararamdaman ni Rave. Wala ito sa sarili na pumunta sa Lower ground at sumakay sa sasakyan nya.

Pagkapasok nya ay hindi nya kagad binuhay ito. Ilang minuto muna syang tulala doon at tila parang sobrang lalim ng kanyang iniisip.

"AAAAHH!!" sigaw nya sabay hampas sa steering wheel.

"Bakit sya pa? Fck!" inis na bulong nya habang nakahawak ng mahigpit sa steering wheel nya.

Napapikit ng mariin si Rave at pilit na kinakalimutan ang mga nangyari nung nakaraan na kanyang naaalala ngayon.

*FLASHBACK*

"From now on, you are now Raiden Venedict Shinn." nakangiting saad ng isang babaeng nasa mid 40's na an edad.

Karga-karga nya ang isang sanggol na lalaki.

Ipinaampon kasi iyon ng sarili nyang Ina sakanila, dahil hindi na kaya pang buhayin nung nanay ang sanggol. Madami na kasi itong anak at hiwalay pa ito sa asawa.

Kaya naman napagkasunduan nila na ampunin ang sanggol.

Ngayon ay nasa pangangalaga na ito ng mga Shinn.

Isang Half Korean at Half Filipino ang pamilyang Shinn. Isa sila sa pinakamayamang pamilya sa Seoul.

Kaya nila binalak na magampon, dahil may problema si Mrs. Shinn. Hindi nya kayang magdalang tao.

Lumaking sunod na layaw si Rave. Dahil nagiisang anak lang ito ng mga Shinn. Maganda ang takbo ng buhay nya. Nakakain sya ng tatlong beses sa isang araw. Nakakapasok sa isang private at exclusive na school. Nakatira sa Mansyon at higit sa lahat swerte sa kanyang magulang.

Kaya lang habang natanda sya ay ganun din naman ang dumadating na problema sakanilang pamilya.

Nalugi ang kanilang kompanya. Nabaon sila sa utang. At marami pang iba. Pero nagsikap pa rin ang mag-asawa para maisalba an mga ito.

Kaya lang may isa pang mabigay na problema ang dumagdag.

Ayun ay ang mahuling may kinakasamang ibang babae ang Papa nya.

Halos mabaliw ang kanyang Mama nang mabalitaan iyon. At hindi lang yun, nahuli pa nitong nagsisiping ang dalawa sa loob pa mismo ng kanilang Mansyon.

Natigil din ang pangbababae ng Papa nya ng ilang tao at ilang taon pa ulit ay umulit muli ito.

Naaalala pa noon ni Rave, 9 years old years old sya noon nung mahuli nya ang Papa nya na may ginagawang milagro sa babae nya habang sya ay naglalaro sa kanyang kwarto. Nakarinig sya ng mga lagabog at ilang mahihinang boses na nagmumula sa kwarto ng kanyang Magulang.

Ang pagkakaalam nya ay wala doon ang magulang nya. Nasa trabaho ang mga ito. Kaya naman ay sinubukan nyang tingnan ito. Dahan-dahan pa nyang pinihit yung door knob at dahan dahan din nyang binuksan ito.

Nanlaki ang mga mata nya sa kanyang nakita.

Sa murang isipan ni Rave ay namulat na sya sa isang di ka nais nais na mundong ginagalaw ng kanyang Papa.

*END OF FLASHBACK*

Napamulat si Rave bigla nang maalala nanaman nya yung nangyari noon.

Dali-dali nyang binuhay yung engine ng sasakyan nya at nagpaharurot palabas nung Building.

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon