Chapter 30

72.7K 3.9K 7.8K
                                    

Please use the hashtag #SapphireAcademy if you're going to tweet/post about this story. You may also tag me @cailameneses on twitter and instagram.

Chapter 30

Like

Jax was still holding my hand while we were both walking away. Hindi mawala sa isip ko iyong mga sinabi niya kanina roon sa lalaki pero alam ko namang ginawa niya lang iyon para mailayo ako roon.

"How long are you going to hold my hand?" I asked.

Malayo na kasi kami, feeling ko naman hindi na kami nakikita no'ng lalaki.

"A little while longer... If it's okay with you."

I can feel my heart beating so fast. Pinipigilan ko ang sariling makaramdam ng kahit na ano para sa kanya pero ang hirap.

"O-okay..." I said. "Baka lang may makakita sa 'tin at iba ang isipin."

"Wala namang problema sa akin," he said and held my hand until we were back at the Pad.

Hindi ko alam kung may nakakita sa amin. We literally held hands! It was nothing like before!Our fingers were intertwined!

Sana lang ay walang nakakita sa amin. Ayaw ko lang din ng issue lalo na at hindi naman totoo.

"Cali," he called when we were almost near our rooms. "Accept mo naman ako sa facebook!"

"Oh..." I paused a little. Inunfriend ko nga pala siya! "I'm not active anymore, but I'll check."

Bago pa ako tuluyang makapasok sa room ko ay may nakita akong paperbag sa harap ng pintuan. I immediately picked it up. Ano 'to at saan galing?

I was surprised when I saw that it's a milktea.

Agad kong binasa iyong note na nandoon.

Hapon na. Hindi na 'to babara sa utak mo.

Napangiti ako. Walang nakasulat kung sino pero sa sulat pa lang, it's obviously Grant! Siya lang naman ang ganyan ang bibig!

Nagagalit-galit pa kanina tapos bibilan din pala ako!

Napatitig ako roon sa milktea. It was my favorite cheesecake and pearl milktea! Pagkapasok sa room, I took a sip na agad. What a stress reliever talaga!

I immediately opened my messenger and sent Bato a message.

To: The Rock

Granty, thank you sa milktea!

I also put an emoji na naiiyak.

Before I could even close my phone, naalala ko iyong sinabi ni Jax. I checked my friend requests at nandoon nga siya! Tinignan ko iyong profile niya.

The latest posts was a shared photo.

Crush pa-accept naman ng friend request!

Iyon ang nakalagay sa picture. There were a few comments on his shared post and my eyes landed on Violet's comment.

Violet Hal: Notice mo si Master @Claire Ignacio

Because of too much irritation, na-shutdown ko iyong phone ko at hindi ko rin na-accept si Jax. Inenjoy ko na lang ang milktea ko.

The next day, maraming activities na pinagawa sa amin si Prof. Somero. Sa susunod na lang daw siya mag-lelecture dahil busy daw ang mga Professors para sa darating na Sophomore Party. Surprised party daw 'yun for the students kaya naman hindi na rin pinatawag kaming mga Prefects for the planning and preparation.

Sapphire Academy: School of NoblesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon