Chapter 22

74.7K 4.3K 4.9K
                                    

Please use the hashtag #SapphireAcademy if you're going to tweet/post about this story. You may also tag me @cailameneses on twitter and instagram.

Chapter 22

Bed

I also put a food on Jax's spoon at inilapag iyon sa plate niya. Masama siyang tumitig doon.

"Pag kay kurimaw susubuan, pag akin lapag-lapag lang..." Jax whispered something to himself.

Sabay pa kaming napatingin ni Grant sa kanya.

"What?" I asked. "Do you need something?"

Baka kasi he want more ulam pa or what.

Ngumuso si Jax. "Wala! Wala!" aniya na parang batang nagmamaktol.

"Problema?" Grant asked.

"Mama mo blue!" si Jax na parang may hinanakit kay Grant.

What's his problem ba? Is it the time of the month?

Tumagal ang pagkain namin dahil nahihirapan iyong dalawa. Na-guiguilty tuloy ako lalo dahil sa akin kaya hindi sila makakilos ng maayos.

I just don't understand why it happened. Dapat pala tinanong ko si Grant kung bakit nagkapisikalan agad silang magpinsan. Kung ramble iyong nangyari, malamang ay makakarating iyon sa headmistress. I just wish na hindi mapapahamak sina Jax, Grant, Theo, at Gelo nang dahil sa akin.

We were supposed to go home early Saturday, but everyone were called in the amphitheater. I was very nervous dahil nararamdaman kong tungkol ito sa nangyari kahapon.

"I am very, very disappointed about what happened yesterday," the headmistress started. "I do not condone violence here in this school. That ramble was unacceptable and something I would never tolerate."

Agad akong nakarinig ng mga bulong-bulungan. May ibang nakakita sa nangyari at may ibang hindi kaya kuryoso.

"Everyone who were involved in the fight will be suspended," the headmistress said. "I hope that this will be a lesson to all of you."

Napahawak ako sa bibig ko nang marinig iyon.

I can't help not to blame myself. Suspension is a big deal, lalo na at kailangan pang magpapirma ng incident paper sa parents. I feel so sorry for the Star Sapphire Boys.

Jax also made sure that those who locked me inside the clinic will be punished. Kumuha siya ng CCTV copy no'ng araw na iyon at dalawang lalaki na tiga Class D ang nakita. Madadagdagan pa ang supposed suspension days nila.

Inaantay ko ang sundo nang biglang sumulpot si Chance sa harapan ko. May blackeye siya. Lalong nagpuyos ang nararamdaman kong galit nang maalala kung paano binanggit no'ng mga lalaking iyon ang pangalan niya. They said that he was involved!

"Cali–"

"I don't wanna talk to you anymore, Chance."

"Trust me, I'm not with them. I don't even talk to those people, Cali..." Chance said and his voice was pleading. "Hindi ko talaga alam bakit nila binaggit ang pangalan ko."

"Save your excuse to someone who'll believe you," I said and walked passed him.

Buti na lang din at dumating na iyong sundo ko.

New week came and it never been so hectic. Dahil simula na ng finals, medyo naging mas mahirap na ang mga lessons namin. Sa sobrang hirap, habang nagkaklase sa greenhouse ay parang gusto ko na lang pumitas ng dahon at kainin iyon.

Bakit ba kasi may mga minor subjects na feeling major?

My stress level is up to a hundred percent! Ang daming gagawin at sasagutan!

Sapphire Academy: School of NoblesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon