Chapter 48

64.2K 3.8K 11.1K
                                    

Please use the hashtag #SapphireAcademy if you're going to tweet/post about this story. You may also tag me @cailameneses on twitter and instagram.

Chapter 48

Retreat

Sa sobrang sama ng loob, I forcefully pulled out my hand on Jaxith's grip. Tumalikod na ako at mabilis na naglakad palayo.

I get it, okay? He's protecting her! She's his girlfriend after all! Pero hindi ko kaya na harap-harapan niya iyong ginawa. Masakit 'yon sa 'kin. At dagdag pa na napahiya ako kay Claire at sa mga kaibigan niya!

"Ganyan ba talaga ang ugali mo?" Jaxith's voice echoed from behind. "How disappointing."

Agad akong napahinto sa galit. Hinarap ko siya habang napupuno na ng luha ang mga mata. Nakuha niya pa akong sundan para pagsalitaan ng ganyan?

"Oo! Ganito talaga ang ugali ko!" I blurted out with so much emotion. "Stay disappointed!"

Gusto kong sabihin na hindi naman ako ang nauna, kung 'di iyong girlfriend niya pero hindi na lang. Para saan pa kung ganyan siya? Hindi rin naman niya ako papakinggan.

My watch started to beep. Bago pa ako makatalikod ulit ay nanghina na ako. I was sure I'd fall, but instead of the hard floor, lumapat ang katawan ko sa malambot na bagay. I was so surprised to see Jaxith's arm around me. He was able to catch me before I fall straight to the floor.

Napahawak ako sa aking dibdib at napangiwi sa sakit na nararamdaman.

"Call Chance... Please," I whispered to Jax.

Chance, Xuri, and Gelo were the only ones who knew about my health condition. And among the three, Chance is the only one who can carry me to the clinic.

Hindi niya na ako pinansin at tuluyan na akong binuhat.

When I opened my eyes, I was already at the clinic. I passed out. Paglingon ko ay agad kong nakita si Jax na nakaupo sa gilid.

He immediately stood up when he saw me awake. Malalim siyang huminga at yumuko. "I already called your boyfriend, papunta na. Aalis ako pag nandito na siya," malamig niyang sabi.

My forehead creased. Nanunuyot pa ang lalamunan ko. "W-What?"

"Si Chance, papunta na..." paglilinaw niya.

"No... I mean, what boyfriend? Chance is not my boyfriend," I told him.

Something in his expression suddenly lightened.

Magsasalita pa sana ako pero dumating na bigla si Chance roon sa clinic. "Cali, okay ka lang?" he asked and went to me right away. He looked so worried.

Bago pa ako makapagsalita, umalis na rin agad si Jax. Sumunod naman ding dumating si Xuri tapos ay si Gelo.

"Okay ka lang ba talaga?" Gelo asked me.

I nodded slowly. I feel fine now.

"Narinig ko, sila Claire ang huli mong nakausap... Inaway ka ba? Sabihin mo! Aawayin ko talaga ang mga 'yon!" si Xuri naman.

"They're not worth it," I told her.

I really don't want to associate myself with Claire and her friends. Pero laging sila ang lumalapit sa akin na parang threatened sa maraming bagay. Didn't she got it all already? She's in Star Sapphire Class already. She got the room that she ever wanted... And Jax. Ano pa ang gusto niya?

The next day, I was so surprised to see Jax in front of me. Kakalabas ko lang ng kwarto ko at ganoon din siya. Wait, kailan pa nag-iba ang kwarto niya? His room was on the other side at kaharap no'n ang dati kong kwarto na siyang kwarto na ngayon ni Claire. Hindi ko alam kung bakit kaharap ko na siya ng kwarto ngayon. Where is Gelo?! Siya ang alam kong kaharap ko ng kwarto!

Sapphire Academy: School of NoblesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon