SF 20

270 9 3
                                    

A/N: Here's chapter 20 of Secret Feelings, sorry po kung late na-post nagkaron po kasi kami ng general assembly sa school kahapon.. Enjoy reading! ^^




SF 20

Rin's P.O.V

Habang hatak-hatak ako ni Shane sa kaliwang braso ko, hindi ko maiwasang lingonin ulit si Kylie sa lugar na kinatatayuan niya..

Nakakahiya kasi sa kanya, bigla nalang akong umalis ng hindi nakakapag-paalam ng maayos..

Eto kasi si Shane eh bigla-bigla nalang nanghahatak! -_____- ||

Nang makarating kami sa kinaroroonan ng A-Prince at Face Off, napansin kong wala si Hyul..

Nilibot ko ang dalawang mata ko para hanapin siya, kaso hindi ko siya makita.. Nasan kaya yun?? ^.~7

"Sha---"

Tatawagin ko sana si Shane para itanong sa kanya kung nakita niya ba si Hyul kaso pagtingin ko sa kaliwang gilid ko wala siya..

Nandun pala siya sa grupo ng Face Off at nagpapa-picture! -______-

Hahanapin ko na nga lang siya.. hindi ako pwedeng umuwi ng wala kaming picture na dalawa! >0<




~~~~

"Excuse me po.."

"Excuse me po.."

"Excuse me po, makikidaan po.."

Ano ba naman tong mga tao dito, ayaw magpadaan! Kanina pa ko nage-excuse me eh.. T^T

Habang nakikipagsiksikan ako sa mga tao, napatingin ako sa loob ng salon..

Grabe! Hindi ko man lang namalayan na malapit na pala ko sa salon.. -_____- ||

Maya-maya biglang lumuwag yung lugar na dinadaanan ko.. unti-unting nagsialisan yung mga taong nasa paligid ko...

Nang tuluyan na silang mawala, bumungad sa mukha ko sina Hyul at yung babaeng hinarana niya kanina sa taas ng stage..

Naka-upo sila malapit sa pintuan ng salon, naka-tapat pa nga sila sa mismong entrance eh..

Nakita kong naguusap silang dalawa at nakita ko rin kung paano ngumiti si Hyul habang kausap niya yung babae..

Ano nga bang pangalan nito??

Patuloy lang sila sa paguusap, habang naguusap silang dalawa ngumingiti at tumatawa sila..

Hindi ko alam kung anong pinaguusapan nila, pero bakas talaga sa mukha ni Hyul ang sobrang kasiyahan dahil nakakausap niya yung babaeng nasa harapan niya ngayon.. may mga pagkakataon pa nga na natutulala si Hyul sa kanya eh...

Nakita ko rin na tinatawag na siya ng mga fans niya pero hindi parin siya umaalis sa tabi nung babae..

Ang swerte naman niya! Pinapasok pa talaga siya ni Hyul sa loob ng salon para magkausap sila ng maayos..

Ilang sandali pa tumayo na rin si Hyul, tapos unti-unti na siyang naglakad palabas ng salon..

Susundan ko sana siya kaso may biglang humawak sa kaliwang braso ko..

Nang lingonin ko kung sino yung humawak sakin, nanlaki ang mga mata ko kasi nakita ko si Justine..

Anong ginagawa niya dito? Bakit siya lumapit sakin??

Secret Feelings (Unexpected Love)Where stories live. Discover now