SF 23

256 14 8
                                    

A/N: Heeya! :) UD na po ulit.. May nag-message po kasi sakin kahapon na nabitin daw po siya sa update ko kaya napa-aga ang update ng chapter 23. Dahil natuwa ako sa message niya nag-update agad ako, ganyan ko kayo kamahal guys hindi lang halata. Hahaha! :D Anyway, enjoy reading! ^^




SF 23

Adrian's P.O.V

"Sir nandito na po pala kayo. Nakakain na po ba kayo? Ipaghahanda ko po kayo.."

Sabi ni Yaya Lordes sakin ng makapasok ako ng bahay..

"Hindi na po yaya, busog pa naman ako eh. Gusto ko na pong magpahinga, akyat na po ako sa kwarto ko.."

Sagot ko kay yaya..

"Ah ganon po ba. Sige po sir, magpahinga na po kayo.. Good night po."

Sabi niya sakin..

Bago ako umakyat ng hagdan..

"Ahh yaya, sina mommy po? Dumating na ba?"

Tanong ko kay Yaya Lordes..

"Hindi pa po dumarating sir eh, baka nasa office pa po.."

Sagot niya sakin..

"Ahh sige po, akyat na ko.."  ( Ako )

"Sige sir.."  ( Yaya Lordes )




~~~~

Pagkatapos kong maligo, kumuha agad ako ng isang boxer short at sando sa loob ng aparador ko..

Nang makapag-bihis na ko, humiga na ako sa kama ko..

Bubuksan ko na sana yung T.V. ng biglang sumagi sa isipan ko yung nangyari kanina..

Bakit ba napaka-init lagi ng ulo sakin ni Kylie? Ano bang ginawa ko sa kanya??

Naging mabait naman ako ah? Hindi ko naman siya inaasar o kinukulit? Mas lalong hindi ko siya binu-bully..

Kahit sa school hindi ko rin naman siya kinaka-usap o pinakekeelaman eh, kasi ayaw nga niyang malaman ng mga estudyante sa Willford College na kapatid siya ni Jake..

Kaya hangga't maaari iniiwasan ko rin siya kasi pag lumapit kami ng lumapit sa kanya at nalamang kakilala namin siya, baka siya ang pagkaguluhan ng mga taga-hanga ng grupo namin..

Pero bakit ganon parin siya, ang layo parin ng loob niya sakin? Sa mga ibang ka-grupo ko naman hindi ah? Sakin lang ata siya ganyan eh..

Kanina nga habang kumakanta kami sa taas ng stage, siya dapat yung lalapitan ko kaso pababa palang ako ng hagdan, nung mapatingin ako sa kanya inirapan na niya agad ako kaya ibang babae nalang yung nilapitan at kinuha ko..

Ilang beses ko na ngang sinubukang kausapin siya para sana tanungin kung ano bang problema niya sakin kaso sinusungitan at inisnob niya lang lagi ako..

Tuwing magkakasalubong kami sa school o kaya magkikita kami ng hindi sinasadya lagi niya kong iniirapan at pinaparinggan..

Sabi niya mayabang daw ako, feeling pogi at akala mo kung sino.. Anong magagawa ko? Eh ganon na yung nakasanayan ko eh, ganon kasi akong klaseng tao..

Oo, may pagka-mahangin nga yung dating pero pabiro lang naman yun eh.. Kahit nga sina Justine ganon din minsan..

Di pa ba siya nasasanay sakin? Hindi niya pa ba nakukuha ang paguugali ko? Ang tagal na naming magka-kilala ah? Almost 3 years na simula nung pinakilala siya ni Jake samin..

Secret Feelings (Unexpected Love)Where stories live. Discover now