SF 26

257 10 3
                                    

A/N: Guys humihingi na po ako ng paumanhin sa inyo ngayon palang, kasi po starting now mag-slow update po muna ako. Busy po kasi talaga ko sa mga school works ko and may OJT pa po akong iniisip kaya sana po maintindihan ninyo.. Yun lang po, salamat ng madami! ^^






SF 26

Rin's P.O.V

"Be halika na, uwi na tayo.."

Bumalik lang sa katinuan ang pag-iisip ko ng biglang magsalita si Agnes malapit sa kaliwang tenga ko..

Hindi ko alam pero parang nawala ata ako sa sarili ko kanina habang tinitignan ko si Hyul at yung Nadine sa harapan namin..

Pakiramdam ko natalo ako sa isang laban.. sa isang laban na kahit kelan, kahit anong gawin ko wala akong pag-asang manalo..

Habang pinagmamasdan ko silang dalawa hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko o kung anong mararamdaman ko..

Kung magagalit ba ko, maiinis, matutuwa, kikiligin, malulungkot o iiyak nalang sa harapan nilang lahat para malaman nila na habang magkasama at magkausap silang dalawa may isang taong nasasaktan sa likuran nila ng hindi nila namamalayan..

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko hindi ko alam kung kaya ko pang umalis o gumalaw sa kinatatayuan ko..

"Uy girl, ano na? Tatayo ka nalang dyan? Iiwan ka na namin dito.."

Kahit gusto kong sagutin yung sinabi ni Earlyn, hindi ko magawa.. hindi ko magawang magsalita..

"Ehem!"

Napalingon naman ako sa kanang gilid ko ng may marinig akong biglang umubo..

Pagtingin ko nakita ko si bff, agad akong tumakbo sa kanya at saka siya niyakap..

"Bff.."

Sabi ni Shane sakin habang hinihimas yung likod ko..

Eto na ang pagkakataon ko para ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko..

Ang mga luhang pilit kong pinipigilang lumabas kanina, pwede ko ng iluha..

"Anong nangyari dun?" ( Earlyn )

Kahit umiyak ako ng umiyak kay bff ngayon, hindi ko na kailangan pang magpaliwanag sa kanya kung bakit kasi alam na niya ang dahilan ng pagpatak ng mga luha ko..

"Ikaw kasi eh, masyado kang hard magsalita.. Ayan tuloy!" ( Agnes )

"Hala? Anong hard dun?" ( Earlyn )

Pasensya na Earlyn at Agnes hindi ko masabi sa inyo baka kasi hindi niyo agad maintindihan eh..

Pero wag kayong mag-alala hindi naman kayo ang dahilan nito kaya Agnes wag mong sisihin si Earlyn..

Ang tanging gusto ko lang talaga sa ngayon ay ilabas ang lahat ng sakit para maging maayos na ulit ako........


Shane's P.O.V

"Ahh, mga ate.. Sige na po, pwede na po kayong umuwi. Ako na ang bahala sa kanya.."

Sabi ko sa dalawang kaklase ni Rin habang patuloy ko paring hinihimas yung likod niya..

"Ahm.. Sure ka ate?"

Sabi ni Classmate 1..

"Ahh oo, sige na po.." ( Ako )

"Okay lang ba siya? Ano bang nangyari? Pakisabi sorry ah, hindi ko naman sinasadya yung sinabi ko kanina eh.."

Sabi naman ni Classmate 2..

Pasensya hindi ko pa kasi sila kilala eh, hindi ko alam kung anong pangalan nila kaya Classmate 1 at Classmate 2 ang tawag ko.. Hehe.. ^_______^v

"Hindi, okay lang po siya. Wala lang to, don't worry.." ( Ako )

Secret Feelings (Unexpected Love)Where stories live. Discover now