SF 8

306 18 2
                                    

SF 8

Rin's P.O.V

Pagkababa namin sa jeep pumasok na agad kami sa entrance ng Luneta Park.

Habang naglalakad kaming tatlo hiniram ulit ni Anne yung phone ko sakin...

"Rin pwede pahiram ulit ng phone mo? Tatawagan ko lang ulit si Dale.."

Inabot ko naman agad kay Anne yung phone nang makuha ko ito sa loob ng bag ko...

"Heto oh, tignan mo nalang kung may pantawag pa. 20 minutes lang kasi yan eh.."

"Salamat.."

Sabi niya sabay kuha ng phone sa kamay ko..

Yung Dale siguro yung kausap niya kanina sa phone bago kami pumunta dito sa Luneta Park.

Maya-maya may kausap na si Anne...

"Hello? Nasan kayo? Nandito na kami malapit sa entrance ng Luneta Park..."

{Kami? Bakit sinong kasama mo? Diba hindi naman sumama si Ate Jane??}

"Kasama ko yung dalawang babae na naka-infinite shirt kanina, gusto daw kasi nilang sumama kaya sinama ko na."

{Ah ganon ba? Sige, punta nalang kayo sa Statue ni Lapu-lapu. Dun nalang tayo magkita malapit na rin naman kami..}

"Okay sige, punta na kami don. Bye.."

Pagkatapos nilang mag-usap nung Dale binigay na agad sakin ni Anne yung phone ko...

"Tara dun tayo sa may Statue ni Lapu-lapu, papunta na daw sila don.."

Sabi niya samin ni Shane sabay lakad papunta sa lugar kung nasaan yung Statue ni Lapu-lapu na sinasabi niya.

Sumunod naman agad kami sa kanya...

Nang makarating kaming tatlo sa Statue ni Lapu-lapu, natanaw na namin yung iba pang members ng A-Prince Buddies na papunta na rin sa lugar kung nasaan kami.

Nang makalapit sila samin pumunta agad si Anne sa kanila, kami naman ni Shane umakyat muna sa Statue ni Lapu-lapu.

Wala pa kasi yung A-Prince, mamaya pa siguro darating.

Baka may inaasikaso pa sila o di kaya'y kumain muna bago pumunta dito...

Tinawag kami ni Anne, pero sabi namin dito muna kami magpapahinga lang saglit.

Pumayag naman siya, ang totoo sinabi ko lang yon para hindi na niya kami papuntahin sa kanila.

Nahihiya kasi talaga kami, hindi namin alam ni Shane kung paano namin sila kakausapin o kung paano kami makikipagkilala sa kanila....




~~~~

Pagkalipas ng isang oras dumating na din ang A-Prince, agad namang nagsilapitan sa kanila yung mga supporters nila..

May isang babae na huling lumapit sa kanila, yun siguro ang pinaka-founder ng grupo ng A-Prince Buddies.

Isa-isa niyang kinamusta ang bawat members ng A-Prince tapos niyaya niya itong kumain...

Sabi naman ng A-Prince busog na daw sila bago kasi sila pumunta dito kumain na daw sila sa Tokyo-tokyo kasama nung Manager nila at nung dalawang fashion designer sa event kanina.

Umupo nalang muna sila sandali para makapagpahinga...

Maya-maya biglang nagsalita yung pinaka founder ng A-Prince Buddies sa harapan namin...

Secret Feelings (Unexpected Love)Where stories live. Discover now