SF 35

211 8 2
                                    

A/N: Anyeong Readers! :) I'm so glad to see na yung readers ng SF ay pataas parin ng pataas, kahit na hindi masyadong nakakapag UD si Author.. Thankyou thankyou so much! ♥ And to our new readers.. WELCOME!!! Feel free to read and enjoy!! ^^




SF 35

((Willford College))

Jake's P.O.V

"Uy Dre! Magbi-birthday na pala si Hyul diba?? Anong balak natin?" ( Gene )

"Oo nga pala! Eh wala naman siyang nababanggit na balak gawin eh.. Diba hindi naman mahilig sa party at mga surprises yon? Sa tuwing magbi-birthday yon kumakain lang tayo sa labas o kaya nagbabar.." ( Earl )

"Kaya nga! Tapos libre pa niya palagi. Eh kung tayo naman kaya ang gumawa ng celebration niya?? Siguro naman panahon na para tayo naman ang magpasaya sa kanya sa kabila ng mga tulong na ginawa niya satin.. Isa na tong pagsikat natin as A-Prince.." ( Adrian )

Nandito pala kami ngayon sa loob ng classroom nina Justine, wala kasi kaming klase lahat ngayon at kagaya ng nabasa niyo.. nalalapit na nga ang kaarawan ni Hyul, kaya eto nag-iisip na kami ng magandang gagawin para sa kanya..

"Alam ko na mag-set nalang tayo, isama natin ang A-Prince Buddies.." ( Gene )

"Oo nga no? Magandang idea yan! Kaya lang saan? May alam ba kayong magandang lugar na pwede nating pagdausan?? Pano natin ito sasabihin kay Hyul ng hindi niya nahahalata??" ( Adrian )

"Tignan mo to si Adrain, walang utak! Malamang sasabihin natin kunwari get together. Ikuntyaba na rin natin si Sir Josh para mas kapani-paniwala.." ( Earl )

"Sang-ayon ako sa sinabi ni Earl, ganon na nga lang ang gawin natin.. Yung venue sa Sky Garden nalang kaya, sa SM North? Mas okay dun, mas maganda dun.. Ano sa tingin niyo??" ( Kurt )

"Eh ikaw Jake? May masa-suggest ka ba? Kanina pa kayo walang imik ni Justine dyan eh.. Nakikinig lang kayo sa usapan.." ( Gene )

Bigla naman akong napalingon kina Gene ng marinig ko siyang magsalita, nagbabasa kasi ako ng libro..

Naririnig ko naman lahat ng mga sinasabi nila at sang-ayon naman ako sa lahat ng yon hindi lang ako sumasagot..

"Ahh.. Wala, okay na sakin lahat ng mga sinabi niyo. Nakikinig naman ako, hindi lang ako sumasagot kasi nagbabasa ako pero sang-ayon na ko sa lahat ng yon.. kaso mukhang nakalimutan niyo atang isama si Nadine? Dapat nandun din siya.." ( Ako )

"Ayy! Oo nga pala! Nakalimutan natin si Nadine.." ( Adrian )

"Ako nalang ang magsasabi sa kanya, tutal wala pa naman akong naisa-suggest sa inyo kayo na ang mag-prepare ng venue sa Sky Garden tapos ako susunduin ko nalang siya sa campus nila then didiretso nalang kami doon. Malamang may pinaplano ring surprise para kay Hyul yon.." ( Justine )

"Eh di ayos na kung ganon. Isama na natin siya sa surpresang ihahanda natin para isahan nalang ang saya!" ( Kurt )

"Oh pano? Ganon nalang ah, may gusto pa ba kayong idagdag??" ( Gene )

"Yung A-Prince Buddies kausapin muna natin bago tayo mag-set. Baka may gusto silang isuggest tiyak yung mga yon gugustuhing magluto at magdala nalang ng pagkain.." ( Ako )

"Speaking of food, ano nga palang kakainin natin?" ( Adrian )

"Tanungin na nga lang muna natin ang A-Prince Buddies.." ( Earl )

"Wag nalang magluto, para walang mapagod. Magpa-deliver nalang tayo, ambag-ambag marami namang restaurant or fast food dun eh.." ( Kurt )

"Sa bagay, oo nga para lahat mag-enjoy at para wala na ding masyadong bitbitin.." ( Ako )

Secret Feelings (Unexpected Love)Where stories live. Discover now