Chapter 43

18.2K 367 21
                                    

(A/N: The story is a fiction only. It is a story from the imagination of the author. If anything had similar to the names of people, places or whatever is unintentional. Sorry for the wrong grammars, spelling, words, typho and etc.) ~cutecakegirl

Chapter 43

Sam POV

Haaay!What a nice day! Hindi ko lang nakasama maglunch si Hershey, nakasama ko pa siya sa merienda at makakasama ko pa siya sa advertisement ng The Princess Bakery! Naisip ko nga kung itutuloy ko pa ba yung plano ko eh... Hmmm...

*toktoktok

"Come in!" Nandito nga pala ako sa bahay ngayon. Hindi sa condo ko sa bahay talaga namin.

"Kuya..."

"Oh Jane! Bakit?"umupo siya sa kama ka at tumabi sa akin.

"Kuya...ayoko na"

"Huh?"

"Gusto ko na magshift"

"Bakit? Ayaw mo ba ng course mo?"

"Kuya ang gusto ko talaga ay teacher pero Mom wants na kumuha ako ng fashion designer"

"Jane..."

"Kuya bakit ganun sila! Lahat naman sinusunod ko para sa kanila. Pero ito lang ang gusto ko! Ito lang! Sana naman pagbigyan nila ako. Kuya bakit ikaw pinayagan ka nila na mamili ng course na gusto mo! Gusto mo sa business then pumayag sila na kunin mo na course ay may kinalaman sa business! Kuya bakit ako ayaw nila payagan! Kuya lagi na lang ikaw! Ikaw!"sabi niya habang umiiyak at hinahampas ako. Pilit ko lang siyang niyayakap para tumigil na siya kakahampas.

"Shhh Jane hindi ko alam....akala ko ikaw ang pumili ng course mo"

"No Kuya. Mom said na dapat yun ang kunin ko. Tumulad daw ako sayo ang layo na ng narating mo as a model. Pagyung course na yun daw ang pinili ko wala akong mararating."

"Jane kausapin mo sila. Sabihin mo na ayaw mo ng course mo. Jane, Mom and Dad have a money para pag-aralin ka at matupad ang pangarap mo"

"Kuya ayoko. Natatakot ako. Baka hindi sila pumayag."

"Jane gawin mo kung ano ang nararapat at magpapasaya sayo"sabi ko habang pinupunasan ang luha niya.

"Kuya susuportahan mo ko?"

"Oo naman! Kuya loves you!"

"Kuya ikaw ba nung ayaw nila Mommy kay ate Hershey ano ginawa mo?"

"Pinaglaban ko si ate Hershey mo. Mas pinili ko na hindi nila ako pansinin ng apat na buwan basta wag lang sa akin mawala ang ate Hershey mo. Pero sa huli Dad already accept Hershey although Mom still didn't but pinapansin na niya ko. Hanggang sa wala na. We broke up"kwento ko sa kanya habang inaalala lahat ng iyon. Yung para akong invisible na kumakain dito sa bahay at kung paano lang nasayang lahat ng pagtitiis ko dahil lang sa isang pagkakamali ko na hindi manlang niya pinakinggan ang side ko. Masakit alalahanin lahat ng iyon.

"Kuya ayaw mo ba siyang bawiin?"

"Para saan pa? Masaya na siya at ayoko ng hadlangan ang kasayahan niya"

"Pano kung hinihintay ka lang niya. Pano kung may kulang pa sa buhay niya"

"Wag na nga natin siyang pag-usapan. Basta Hershey is already in my past. Ok?"

"Pero mahal mo pa siya"

"I d-do--

"Wag mong sabihin yan sa akin. Kasi saksi ako kung paano ka nagbago mula nung nawala siya sa buhay mo. Nagbago ka lang ulit nung nakita mo na siya"

Crush ako ng Heartthrob?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon