Chapter 47

16.7K 369 21
                                    

(A/N: The story is a fiction only. It is a story from the imagination of the author. If anything had similar to the names of people, places or whatever is unintentional. Sorry for the wrong grammars, spelling, words, typho and etc.) ~cutecakegirl

Chapter 47

Hershey POV

Natapos na namin ang shooting kahapon. Ngayon wholeday ko na lang babantayan si Kevin.

"Mommy, whete is Daddy?"tanong ni Kevin. Nakakandong kasi siya sa akin. Si Sam naman pumunta sa coffee shop niya.

"Baby, nagwork si Daddy. Dont worry, puntahan natin siya mamaya. Ok?"

"Yehey!!"sabi ni Kevin habang pumapalakpak.

Sam POV

"Sir!! Eto na po yung latest sales natin!""sumisigaw na sabi ni Fred. Take note, dirediretso siya sa pagpasok sa office ko.

"Mukang excited ka ha. Hindi ka na nag-abala pang kumatok."natatawa kong sabi.

"Sir, sorry po. Eh kasi.. naexcite ako sa results eh"sabi niya habang nagkakamot ng batok.

"Joke lang yun Freddy boy! Kaw naman. Oh eto na. 1....2...3"tapos tinignan ko na ang result. o_o WOW as in WOW! Hindi lang tumaas ang sales ng coffeeshop kundi naging triple pa ang taas! Wooaah!

"Sir tumaas po ang sales!!"masayang sabi ni Fred.

"Oo Fred! Gumana yung strategy ni Hershey!"

"Sir, she's the best! Maganda pa ^_^"

"Fred, she is off limit"

"Off limit? Naku sir! Type niyo si Ma'am noh? Yiiiee!"

"Tss. Whatever Freddy boy!"

"Si sir, denial pa."

"Ako nga tigi--

"Daddy!!"biglang may pumasok na maliit na nilalang sa opisina ko este si Kevin pala.

"Baby Kevin! What are you doing here?"

"Vititing you. Im with mommy"

"Where is she?"tapos hinatak niya ko palabas ng opisina ko, nakita ko si Hershey na nakaupo dun sa table na pinalagay ko sa tapat ng office ko, I mean sa table niya.

"Sam, hinahanap ka eh"ngumiti lang ako sa kanya.

"Mommy, who owns this coffeeshop?"biglang tanong ni Kevin.

"Your Daddy owns this"tumango tango naman si Kevin.

"Mommy? Daddy? Sir, Ma'am anak niyo?"nagtatakang tanong ni Fred. Ngayon ko lang naalala na nasa likod nga pala namin siya.

"Anak--

"Sabi na nga ba eh! Pagmagkasama kayong dalawa, may iba eh! Yun pala meron kayong nakaraan! Sir ano nangyari? Bat mo pinakawalan?"paginterrupt ni Fred sa sasabihin sana ni Hershey.

"Fred, anak siya ng kaibigan namin. Pinabantayan lang sa amin"paliwanag ni Hershey.

"Eh bakit Mommy and Daddy ang tawag sa inyo?"nagtatakang tanong ni Fred.

"Malapit lang kami sa bata, Freddy boy"sabi ko sa kanya at tinanguan niya na lang.

*kringkringkring

Lola calling............

Hello Lola

Ano oras ka pupunta dito sa resthouse?

Sa Tagaytay?Bakit?

Sam Hale! Nakalimutan mo na bang birthday ko?!!

Patay! Birthday nga pala ni Lola! Nakalimutan ko! Haiist! -_-

Crush ako ng Heartthrob?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon