Chapter 59

15.6K 319 24
                                    

(A/N: The story is a fiction only. It is a story from the imagination of the author. If anything had similar to the names of people, places or whatever is unintentional. Sorry for the wrong grammars, spelling, words, typho and etc.) ~cutecakegirl

Chapter 59

Hershey POV

"Sam?"

"He!"sabi nito atyaka tumakbo papunta sa akin. "He ok ka lang? Sinaktan ka ba nila?"tanong nito sabay hawak sa muka ko.

"Okay lang ako She. Bat nandito ka? Mapapahamak ka lang" umiling ito at hinawakan ang kamay ko.

"Kahit mapahamak ako basta maligtas ka ok lang sa akin. Ngayong nandito ako hinding hindi ka nila masasaktan. Tandaan mo yan. Mahal na Mahal na Mahal kita Hershey"sabi nito sabay halik sa akin sa noo.

"Mahal na Mahal din kita Sam. Mahal na Mahal. Hindi ko hahayaang mapahamak ka. Sabay tayo. Sabay nating lalabanan ang gulong ito."sabi ko dito na nagpangiti sa kanya atyaka niya ako yinakap. Lalaban tayo Sam. Lalaban tayo.

"Tama na ang drama! Nakakadiri kayo!"biglang salita nung gurang sa likod namin.

"Sino ka ba? Tigilan mo na si Hershey! Wala siyang kasalanan at kung meron man.... Ako! Ako na lang ang sasalo ng lahat ng parusang ibibigay mo sa kanya. Wag mo lang siyang saktan!"sabi ni Sam. Wag Sam. Wag.

"Sam..."pero tinignan niya lang ako sa mata, ngumiti at phinalikan sa noo. Hinila niya ko at dinala sa likuran niya.

"Wow! Pang pelikula to ah! True love! Hahahaha Kung yan ang gusto mo. Fine! Hershey ang swerte mo naman may knight and shining armor ka Hahahaha"sarcastic na sabi nung gurong na yon.

"Tama na ang satsat! Simulan mo na!"sigaw ni Sam.

"Sam wag..."pigil ko dito at hinawakan sa kamay.

"Everything will be okay He."sabi nito atyaka ngumiti sa akin at humarap muli sa gurang na yon. Hindi ko binibitawan ang kamay ni Sam. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makitang nasasaktan siya.

"Aba atat ka ha! Sige! Madali ako kausap eh!"sabi nito atyaka sumenyas sa mga tauhan niya. Lumapit naman ang mga tauhan niya sa amin at hinawakan si Sam.

No! Hindi ko bibitawan ang kamay mo Sam! Wag mong gawin toh!

"He okay lang ako. Magiingat ako. Promise"sabi nito at hinalikan muli ako sa noo. Hanggang sa naramdaman kong unti unti ng nawala ang kamay na kanina hawak ko.

"Bago ko simulan, magpapakilala muna ako sayo Mr. Sam Enriquez. Ako si Fredericko Jerome Tan Buenavista or just call me Mr. Tan"sabi nito na nilakasan pa ang salitang Mr. Tan. Narinig ko na yan. Tama! Mr. Tan ang pangalan nung taong nagnanakaw ng pera sa account ng bakery. Hindi kaya siya yun?

"Guys alam niyo na gagawin niyo! Wooh! Makakapanuod din ng action na live"sabi nito habang umupo sa isang upuan. Si Jeremy naman nasa tabi nito habang hawak nung dalawang tauhan nung papa niya. Nilagyan rin nila ito ng tape sa bibig. Pati sarili niyang anak dinadamay niya.

"Simulan na natin ng matapos na!"sigaw ni Sam. Lumapit sa kanya yung apat na tauhan nung gurang na yon at sinimulan na itong pagsusuntukin. Sam lumaban ka. Sam! Pumikit na lang ako. Hindi ko kayang makita si Sam na nasasaktan.

Nakikita kong duguan na si Sam pero hindi ko manlang ito maipagtanggol. Gaya ng kanina, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Para itong nakaglue sa semento na kinatatayuan ko. Sa nakikita ko ngayon hindi ko na napigilan ang luha kong tumulo. Sam... lumaban ka. Sam...

"Tama na..... parang awa niyo na tama na...."umiiyak na pakiusap ko sa kanila. Pero para lang silang walang narinig. Napaupo na ko sa sahig. Sam... maawa kayo sa kanya. Pero mga wala silang puso, patuloy lang sila sa pagbugbog kay Sam. Hindi ko na kaya. Tama na.

Crush ako ng Heartthrob?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon