Chapter 58

15.6K 331 13
                                    

(A/N: The story is a fiction only. It is a story from the imagination of the author. If anything had similar to the names of people, places or whatever is unintentional. Sorry for the wrong grammars, spelling, words, typho and etc.) ~cutecakegirl

Chapter 58

Hershey POV

Nasan ako? Bakit wala ako sa ospital?

"Saammmm!!"sigaw ko. Pero hindi si Sam ang lumabas isang lalaking may bigote. Dun ko lang rin napansin na nasa isang talier ako. Ano ginagawa ko dito?

"Miss beautiful wag ka maingay. Wag ka magmadali darating na rin yung boss namin"sabi nito. Tatayo sana ako pero nakatali pala ang paa at kamay ko. Ngayon ko lang naramdaman.

"Sino ka? Ano kailangan mo sa akin?"

"Ako hindi kita kailangan. Pero ang boss ko kailangan ka."sabi ulit nito.

"Sino ba yang boss mo na yan! Sabihin mo sa kanya wala akong atraso sa kanya!"

"Maghintay ka lang Miss beautiful darating rin yun"sabi nito atyaka umalis.

"WAAAHHHH!!! TULUNGAN NIYO KO!!!"sigaw ko habang sinusubukang tanggalin yung tali sa kamay ko.

"Tumahimik ka!"biglang sigaw nung lalaking paparating na nakapang amerikana pa. Muka itong kasing tanda ni Dad.

"Sino ka? Hindi kita kilala! Wala akong atraso sayo kaya pakawalan mo ko dito!"ngumisi lang ito at unti unting lumapit sa akin at hinawakan ang muka ko.

"Sino ako? Ako si Fredericko Jerome Tan Buenavista. Malaki atraso mo sa akin Hershey Easton."sabi nito atyaka balibag na binitawan ang muka ko.

"Kung sino ka man mahuhuli ka rin ng mga pulis! Hindi ka habang buhay makakapagtago!"

"At sino ang magpapahuli sa akin? Ang boyfriend mong Heartthrob? Hahahahaha Kayang kaya ko siya ipaligpit Hershey Easton! Gusto mo pati pamilya mo! Bwahahaha"sabi nito atyaka naglakad paalis.

"HINDI KITA KILALA! WAG MONG IDADAMAY ANG MGA TAONG MAHAL KO! WALA AKONG GINAGAWA SAYO!"

"Tumahimik ka! Ikaw? Wala kang ginagawa sa akin? Meron! Meron! Ikaw ang dahilan kung bakit naaksidente ang anak ko! Ikaw!"

"Wala akong alam sa sinasabi mo"

"Tama na pagpapanggap Hershey Easton!!"

"HINDI AKO NAGPAPANGGAP! WALA TALAGA AKONG ALAM SA SINASABI MO!"

"TUMAHIMIK KA! KAYO! TUTUNGANGA LANG KAYO DIYAN? ITAPE NIYO ANG BIBIG NIYAN!"sabi nito sa mga tauhan niya atyaka dire- diretsong umalis. Agad naman nila itong sinunod at nilagyan ng tape ang bibig ko.

Wala akong atraso sayo. Wag na wag mo idadamay ang mga mahal ko kundi magbabayad ka kung sino ka man.

Alex POV

"Sabihin niyo sa akin kung nasaan ang girlfriend ko!!"sigaw ni Sam sa mga pulis. Kanina pa yan ganyan mula nung sinabi sa amin ni Diane lahat ng nakita niya. At nung dumating ang mga pulis ayan galit na Sam ang bumungad.

"Sir sa ngayon po wala pa po kaming balita pero once na nagkaroon po kayo po ang kaunaunahan naming sasabihan"mahinahon na sabi ng pulis.

"Sigaruduhin niyo lang! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa girlfriend ko!!"sabi nito atyaka lumakad palayo sa mga pulis. Sinundan ko ito at naabutan ko naman itong nakaupo sa ilalim ng isang puno.

"Lex dapat sinamahan ko na lang si Hershey eh! Dapat nagpumilit ako! Edi sana nandito pa siya ngayon"sabi nito atyaka sinipa sipa yung puno.

"Sam tama na!" Pigil ko dito pero parang wala lang itong naririnig "wag mo sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan. Wala sa atin ang may kasalanan."

Crush ako ng Heartthrob?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon