Chapter 39

3.3K 76 14
                                    

Teka baka gustong sumama ni Tita Vangie, tawagan ko muna sandali ha. Nag excuse sa dalawa at tinawagan si Tita Vangie. Matagal tagal din silang nagkuwentuhan at nagbalitaan. Kinumusta ni Tita Vangie ang result ng blood test niya, kinumusta din niya sina Colin at Jase. Natuwa naman ito ng sinabi niyang magkasundong magkasundo ang dalawa.

"Tita baka gusto mong sumama, si Jase kasi nagpipilit na dalawin si Gerald sa taping. Surprise daw namin saka gusto daw niyang makapanood ng taping talaga at makita ang mga behind the scenes ng paggawa ng isang teleserye. Mahilig po talaga yun sa buhay showbiz eh kaya nga nalaman namin na artista na pala si Ge."

"Talaga iha , pupunta kayo sa taping? Gusto ko din sana pero may bisita akong darating galing ng GenSan , dito sila tutuloy sa bahay for the night. Ganito na lang, ipapadala ko yung kaluluto ko lang na chicken curry sa isa sa mga kasama namin diyan ngayon para madala ninyo bukas. Ok ba yun? Maaga pa naman , hindi ka pa naman siguro matutulog niyan."

"Sige Tita , hintayin na lang namin. Tiyak matutuwa si Gerald niyan."

"Bonus na lang ang favorite food niya iha, sigurado ako sobrang matutuwa yun pag nakita ka. May tampo nga ako ng kunti eh, akalain mo yun , umuwi galing ng location ni hindi ako sinilip. Saiyo pumunta?"

Napangiti si Ashley. Ang dami na ngang effort ng kasintahan para lang maiparamdam nito na mahal na mahal siya.

Hindi naman nagtagal at nagpaalam na rin si Colin. Pare pareho daw silang maagang gigising kinabukasan kaya magandang maaga silang makapag pahinga lalong lalo na daw si Jase na siguradong nararamdaman na ang jetlag.

Bumeso ang binata kay Ashley at nag good night. Napansin ni Ashley na kakamayan sana ni Colin si Jase pero inilapit nito ang mukha kay Colin for a beso. Napangiti si Ashley ng magbeso ang dalawa.

Pagkasara ng pinto ay biglang nagtitili si Jase at niyakap si Ashley.

"Thank you my friend. Sa wakas natagpuan ko na rin siya!!" Hinalikan ni Jase ang kaibigan.

"I am glad na nag click kayo agad. Alam mo bang kinakabahan din siya na baka hindi kayo mag click at magkagaanan ng loob?"

"I like him a lot! I think na first love at first sight ako sa kanya. Ang gwapo niya, super hot , ang galing magdala ng damit at higit sa lahat ang disente niya. Ang sosyal !!!! "

"Kaya ikaw konting pino naman!! "

"Ano pa ba tawag mo sa akin? Super behave na ako kanina ha. Ginagawa ko lang ito sa harap mo. HIndi ko lang mapigilan ang kilig. Thank you talaga for introducing him to me. " Kinikilig pa ring sabi ni Jase.

Halika na nga at makapag unpack ka na. Dito ka sa kwartong ito. Teka may mga gamit pala si Gerald diyan. Sandali kunin ko lang.

Pumasok si Ashley sa washroom at kinuha mga gamit ni Gerald. Tiningnan din niya closet kung may naka hanger na gamit duon ang kasintahan.

Napansin ni Ashley na iba ang ngiti ng kaibigan.

"Oo natulog na siya ng ilang beses dito."

"Don't tell me dito siya natutulog at ikaw duon sa kwarto mo? Ang corny naman ninyo."

"Hinampas ni Ashley ang kaibigan ng nadampot na unan. "Sira ka talaga. Anong corny sinasabi mo diyan?"

"Eh kasi naman nag sleep over, tig isa pa kayo ng kwarto?" mataray na tanong ni Jase.

"Sino ba kasi may sabi saiyong tig isa kami ng kwarto?" Mataray ding tanong ni Ashley.

Nagulat pa si Ashley sa lakas ng tili ni Jase.

"Shhhhh ano ba, baka mamaya makatok ako ng mga kalapit unit ko sa ingay mo."

"How was it? Kwento mo naman. How was your first time together?"

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon