Chapter 4

4.2K 72 13
                                    

Maagang bumangon si Ashley. Dinatnan niyang nasa kusina na si Mommy Vangie, tinutulungan angkasama nilang maghanda ng almusal.

"Good morning Tita ." Masayang bati ni Ashley.

"Good morning iha, ang aga mo naman yatang nagising."

"Opo, may pupuntahan po kasi ako, maganda ng maaga para iwas sa sobrang traffic."

"Kape ka muna , malapit na ring maluto tong breakfast. Kumain ka muna bago ka lumabas."

"Salamat po. May maitutulong po ba ako Tita?"

"Maupo ka na lang , ano timpla ng kape mo?"

"No sugar po but with cream or milk " sagot ni Ashley.

"Ok , " at ginawan na siya ni Mommy Vangie ng kape.

"Saan ba lakad mo iha, pahatid na kita kay Ali or Jalal."

"Punta po muna ako sa Makati, kunin ko yung sasakyan . Will meet some friends in Alabang " dahilan ni Ashley pero ang tutuo gusto lang niyang iwasan si Gerald. Gusto niyang nakalabas na siya bago pa ito magising.

"Ok pagising ko isa sa kanila para maihatid ka."

"Naku Tita huwag na po, tumawag na po ako ng taxi, sabi ko sunduin ako in 45 minutes .

"Sigurado ka ba iha, ok lang naman na ihatid ka nila."

"Mas gusto ko Tita na hayaan nyo na silang makatulog . Alam ko madaling araw na silang nakauwi."

"Bakit gising ka pa ng dumating sila?"

"Nagising lang po ako ." Nakangiting sagot ni Ashley.

"Sige, kain ka na bago pa dumating ang taxi mo." Inihain ni Mommy Vangie ang breakfast ni Ashley .

"Wow!! Sarap naman nito ! Thank you Tita." Inumpisahan ng kumain with gusto ng dalaga.

"Hindi ka pa rin nagbabago. Magana ka pa ring kumain, nakapagtatakang hindi ka tumataba. Napapanatili mong maganda pangangatawan mo" nakangiting puri ni Mommy Vangie kay Ashley.

Magaan ang pangangatawan ni Gerald na nagising kahit madaling araw na silang nakauwi.Dali dali itong nag shower. Balak niyang ilabas si Ashley for lunch para makakuwentuhan niya ng matagal tagal ang kababata .

Matapos makapaligo at makapag bihis ay excited na itong kumatok sa kwarto ni Ashley. Unti unti niyang binuksan ang pinto. Maayos na maayos ang guest room, parang hindi tinulugan.

Nagtataka man ay inisip na lang niya na tanghali naman na ang knowing his kababata , hindi nito ugaling magpatanghali sa higaan.

Nasalubong niya si Mommy Vangie na papanhik sa kwarto niya.

"Saan ang sunog?" Nagtatakang tanong ng mommy niya

"Mommy naman, si Ashley? Excited na tanong ni Gerald.

"Umalis ng maaga, makikipagkita daw sa mga kaibigan ."

Biglang nawala ngiti ni Gerald. "Anong ibig mong sabihin mommy?"

"Lumabas nga si Ashley, pupunta daw muna sa Condo nila, kukunin yung sasakyan then punta ng Alabang to meet her friends"

"Sinong kasama niya?"

"Siya lang, sabi ko pahatid na kina Ali or Jalal, huwag na daw mag taxi na lang daw siya. Madaling araw na daw kayo nakauwi. Anong oras ba kayo dumating?"

"3 na siguro yun , mommy . Hindi ba niya sinabi kung anong oras siya babalik? Nakakainis naman ."

"Sabi tatawag na lang daw sakaling hindi siya makauwi at magdesisyon na duon na matulog sa kaibigan."

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon