Chapter 9

4.7K 75 15
                                    

Kinabukasan, nagulat pa si Ashley ng paglabas niya ng kwarto niya ay siya ding pagbukas ng kwarto ni Gerald. Nakabihis na rin. Unang tiningnan ni Ashley ang kamay nito.

"Good morning Princess Ashley! Kanina pa kita hinihintay na lumabas." Nakalapit agad ang binata kay Ashley at humalik sa pisngi ng dalaga.

"Morning person ka na pala ngayon?" Bati naman ni Ashley sa kababata. Hinaplos ang mukha nito.

"Nagsisiguro lang ako na hindi mo ako matatakasan today. Wala akong shooting ngayon kaya we have all day para mag catch up."

"Catch up talaga ha. Paano yan may lakad ako?" Birong sabi ni Ashley kay Gerald. Tutuong balak sana niyang iwasan uli ang binata today. Maaga nga siyang nagising baka sakaling makalabas uli siya ng bahay na tulog pa si Gerald. Alam kasi niyang hindi morning person ang kababata unless nagbago na nga.

"Yap dami kong gustong itanong saiyo pero first, lets have breakfast muna." Hinawakan ang isang kamay ni Ashley para bumaba na sila.

Ready na ang breakfast nila sa table. Anduon na rin si Mommy Vangie at Ken. "Good morning Tita, morning Ken." Bati ni Ashley sa dalawa. "Nasaan sina Ali at Jalal?"

"Tulog pa, pag ganitong walang shooting si Gerald, babangon lang mga yun pag lalabas na. Nagtataka nga ako dito kay Gerald bakit nagising ng maaga. Kumusta kamay mo anak?"

"Ok na mommy. I am making sure she can't run away from me today."Sagot ni Gerald sa tanong ng ina.

"Hey Ash, have a party to go to tomorrow night, can you come with me?" Tanong ni Ken kay Ashley.

"Tomorrow night? Sure , what party is this? Will I be able to meet your girlfriend?"

"Don't have one yet, that is why I am asking you. Gerald is going too but for sure he will be with Chrissy. Want to have my own date, nakakaasiwa ang sweetness ng dalawang yan sa harap ng camera." Mahabang paliwanag ni Ken.

Tumaas ang kilay ni Ashley."Does that mean I will meet Chrissy tomorrow night?" May panunuksong tanong ni Ashley kay Gerald.

"Oo for sure, sagot ni Ken." Walang kamalay malay sa nangyaring drama ng nagdaang gabi. She is nice but too touchy and showy even in public."Wala sa loob na sabi ni Ken.

Pasimpleng kinurot ni Ashley si Ken sa tagiliran. "Huwag na huwag mong pipintasan ang girlfriend ng kuya mo , mamaya mapikon na naman yan."

"Alam naman niya yun." Tinapunan ng tingin si Gerald na pinanlalakihan siya ng mata.

"Kumain na nga kayo bago pa kayo magkapikunang magkapatid."Inabot ni Mommy Vangie ang itlog kay Ashley. Kinuha naman agad ni Gerald at siya na ang naglagay nito sa plato ni Ashley.

"Ano pa gusto mo? Bacon, isa sa favorite mo dati," nilagyan ng ilang piraso , sinundan ng buttered toast. Lalagyan pa sana ng morning sausages pero sinabi ni Ashley na tama na muna.

"Coffee iha, I made it just the way you like it." Inabot ni Mommy Vangie ang coffee kay Ashley.

"Naman, baka masobrahan ang pagka spoiled ko nito, hindi na ako umalis sa bahay nyo."Biro ni Ashley.

"Talagang hanggang andito ka sa Pilipinas, dito ka sa amin , di ba mommy?"

"Kung tayo nga lang ba ang masusunod , yun talaga ang gusto natin. Na miss nating maigi si Ashley peor syempre may mga plano din siyang gustong gawin. She can stay as long as she wants."

"Thank you, na miss ko din naman kayo at talagang thankful ako na nagkita kita uli tayo. Thank you sa social networks at nagkita uli sina mommy at Tita. Thank you na kahit matagal na tayong hindi nagkita kita, hindi nagbago ang friendship. Parang hindi tayo nagkita ng almost 10 years no?"

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon