Chapter 6

4.3K 72 48
                                    

Dahil hindi pa rin alam ni Ashley kung saan siya pupunta, nagtuloy muna siya sa condo nila sa Makati. May mga nagtratrabaho pa rin at medyo nagulat sila ng dumating duon si Ashley. Nagpakilala siya at tinanong na rin kung hanggang kelan kaya sila matatapos. Matatapos daw sila in a week kung willing silang magdagdag ng tao. Medyo natatagalan daw sila dahil dadalawa lang silang gumagawa pero kung magdadagdag sila ng tao kahit dalawa lang, mas madadali ang trabaho. Tinanong niya bakit hindi ganoon ang gawin nila, sa kontrata daw kasi hindi kailangang madaliin, kung willing daw si Ashley magbayad ng additonal para sa dalawa pang tao, matatapos nila yun in a week.

Pumayag naman si Ashley basta siguraduhin lang nilang tapos na sila in a week. Sinabi niyang ibibigay niya ang full amount pag natapos nila sa napagkasunduang date. Tiningnan ni Ashely ang isang kwarto kung pwede bang tulugan that night. Luckily, maayos naman, pati washroom ay malinis. Salamat naman at talagang inaasikaso ng caretaker nila ang condo. Kung alam lang niyang pwede naman pala siyang mag stay duon, hindi na sana siya pumayag sa gusto ng mommy niya na duon muna mag stay kina Tita Vangie. Alam naman niya kung bakit duon siya pinatuloy ng mommy niya, mas mapapanatag ang loob nito knowing na alam ni Tita Vangie na nasa Pilipinas at kung anot ano man , hindi siya pababayaan nito at malalaman nila agad. Kumbaga may mata ang mommy niya kahit magkalayo sila.

Matapos maiayos ang over night bag sa banyo ay lumabas uli ito para maglakad lakad at maging familiar sa kapaligiran ng building. Hindi nagkamali ang mommy niya sa pagbili ng 2 bedroom unit na yun. Malapit nga sa lahat, shopping, entertainment at higit sa lahat super lapit sa Makati Medical Center. Naupo siya sa may pool. Kinukuha niya ang iPad niya ng marinig niyang may tumawag sa kanya. Napatingin siya sa palapit. Familiar ito , nakilala lang niya ng nasa harap na niya ito. Hindi niya nakilala agad dahil bukod sa naka short lang ito ay naka sunglasses pa.

"Dr. Recto!!" Gulat na gulat na bati ni Ashley.

"Pwede bang Colin na lang pag wala tayo sa hopital. Fancy seeing you here, can I call you Ashley?" Nakangiting bati sa kanya ng gwapong doctor.

"You live in this building too?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ashley sa doctor. Mas bata pa siyang tingnan ngayon na hindi naka formal ng suot at ang mga mata parang laging tumatawa at may kapilyuhan din.

"Yes, do you?" Interesadong balik tanong sa kanya ni Colin.

"Yes, soon, they are renovating it for now. My mom does not like the kitchen and the wash room of the other room is disgusting."

"Ahhh so you are the new owner of that unit adjacent to mine. Good to know that my new neighbor is you." Nasisinag sa mukha nito ang katuwaan sa nalaman.

"It's great to know , my neighbor is a doctor. Lalong mapapanatag ang loob ng mommy ko niyan pag nalaman niyang ang doctor na kinausap niya kapitbahay ko pala.

"Bakit sa chart mo hindi ko nakita na dito ka nakatira. Ibang address ang nakalagay somewhere in Quezon City?" Takang tanong ni Colin.

"Walang balak si mommy na hayaan akong tumirang mag isa dito pero napilit ko din siya. Suppose to be habang nandito ako sa Pilipinas, duon ako sa bahay ng mga kaibigan namin pero mas gusto kong tumira dito kaya ayun pina renovate niya. Sabi nga niya sa akin it will take 3 weeks bago ma renovate yung unit , duda ko ayaw niya talagang tumira akong mag isa dito.Sabi kasi nung contractor , they can do it in a week magdagdag lang ako ng bayad para makapagdagdag sila ng tao. That's what I did." Mahabang kwento ni Ashley sa nangingiting doctor.

"You can't blame your mom, with your condition, she can't help to be worried as I can see you are doing great."

" Will take a dip while waiting for your workers to go home. Can't have a relaxing time when you hear them banging the wall. "

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon