Chaptet 30

3.9K 83 36
                                    

Ganoon nga ang ginawa ng dalawa. Tumuloy si Ashley sa shower . Si Gerald naman ay umorder ng dinner nila. Pagkatapos niyang umorder ng pagkain ay nag shower na rin ito sa kabilang kwarto. Inisip niyang nasa phone pa si Ashley kausap ang mommy nito.

Tinawagan din niya ang mommy niya since ilang beses na rin niyang na miss ang tawag nito.

Nagkatagalan din silang mag ina sa phone sa dami ng tanong nito at gusto ay by detailed ang kwento. Gerald tried his best para mabawasan ang curiousity ng ina. Nag paalam lang si Gerald ng may mag buzzer. Alam ni Gerald na yun na yung pagkaing inorder niya .

Matapos mabayaran at maihanda sa table ang pagkain ay pinuntahn na niya si Ashley sa kwarto nito•.,

Nasa telepono pa rin si Ashley. Sa boses ng dalaga ay umiiyak itong nakikipag usap sa mga nakagisnang magulang.

Nag aalala man ay hindi na niya ito inistorbo. Marahan niyang isinara uli ang pinto at bumalik na sa sala. Hihintayin na lang niyang lumabas si Ashley.

Nahiga muna siya sa couch.

Kulang kulang isang oras din si Ashley sa phone. Namumugto na naman ang mga mata nito sa kaiiyak. Umiyak din ang mommy niya. Masaya ito para sa kanya. Sinabi ni Ashley na kahit ngayong nakilala na niya ang biological mother niya, walang mababago sa relasyon nilang dalawa. Mas lalo pa daw niyang na realized kung gaano siya ka swerte na sila ang mga taong napag iwanan sa kanya.

Matapos niyang makipag usap sa mommy at step dad niya ay nuon lang niya naalalang naghihintay sa kanya si Gerald. Past 10 pm na. Dali dali itong lumabas.

Nakita niya si Gerald, mahinang naghihilik. Nakatulog na sa panghihintay sa kanya.

Lumapit si Ashley sa couch na hinihigaan ni Gerald. Masuyong pinagmasdan ang kasintahan.

Lumuhod ito at buong pagmamahal na hinaplos ang mukha.

Nagising si Gerald at ng magmulat ito ng mga mata at makita si Ashley ay hinawakan ang kamay nitong humahaplos sa mukha niya. Hinalikan ang kamay ni Ashley then siya naman ang humaplos sa namumugto na namang mga mata nito. "Umiyak ka na naman."

"Hindi mapigilan at pag hindi ka pa tumayo diyan, maiiyak na naman ako sa gutom naman this time." Nakangiting biro nito kay Gerald. Tumayo ito pabirong hinila si Gerald patayo ng lumuwag ang tali ng bath robe niya. Nuon lang niya naalala na hindi pa pala siya nakabihis. Tinawagan kasi niya agad ang mga magulang paglabas ng bathroom. Napalabas naman siyang bigla ng kwarto ng maalala si Gerald pagkatapos nilang mag usap ng mga magulang. Buti na lang at hindi tuluyang naalis ang pagkakatali nito.

Natigilan si Ashley, Napatingin ito kay Gerald. Natulala din si Gerald pero naka recover agad ito. Namumula itong hinigpitan ang tali ng bath robe ng dalaga.

"Sweetheart ha, huwag mo akong tuksuhin. Baka lalo kang gutumin." Nag iinit man buong katawan ni Gerald ay pilit nitong iwinawala. Ayaw niyang masira ang pangako ni Ashley sa sarili. Makakapaghintay siya.

"Teka , magbihis muna ako." Mabilis na tumalikod ang dalaga. Namumula ang mukha and at the same time nagpapasalamat sa pagiging gentleman ng kasintahan.

Paglabas uli ni Ashley ng kwarto ay pasimpleng kinurot si Gerald na hindi mapigilan ang ngiti. "Sige tuksuhin mo pa ako."

"Ang cute cute mo kasi sweetheart pag namumula ka."

"Tsee pasalamat ka masaya ang araw at gabi ko. Kung hindi pinauwi na kita diyan."

"Kahit pauwiin mo ako , hindi naman ako uuwi. Lalo na ngayon alam kong dito din pala nakatira ang bagong tagahanga mo. Either dito ako palagi or sa bahay ka muna."

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon