IX- Kalumi

1.2K 80 4
                                    

This is for Chanz1991 dahil sa row of votes niya sa book 1 at 2 maging sa Gangster University. Hindi na muna ako dapat mag UD dahil malaki prob ko now pero gumaan pakiramdam ko. Thank you ng marami!

Maging sa mga walang sawang nagbabasa at boto ng mga gawa ko.

-------------------------------

Sa kadaliman ng gabi ay lumabas siya ng building na yun. Sininghot singhot ang hangin.

Tumingala siya sa langit at nakita ang bilog na buwan.

Napahalakhak siya.

Sa wakas ay nakalaya na siya sa pinagkulungan sa kanya ng mga liwanag.

Makakaganti na siya at mapapatay ang kahuli-hulihang nilalang na may bughaw na mga mata pero hindi pa ngayon..

"Kaunting tiis na lang, Kalumi at ikaw na ang pinakamakapangyarihan sa lahat! Ha! Ha! Ha! Ha!"

Sa isang bigwas niya ng kamay ay naging isa siyang itim na usok at naglaho.

-------------------------------------------

Kinabukasan ay naging usap- usapan ang pagkakita kay Ritz.

Inilihim nga lang nila ang totoong nangyari.

Kasalukuyang nasa hospital pa rin ang walang malay na si Ritz. Nagpaalam din si Phoebe na aabsent. Mukhang magkakaroon sila ng family meeting.

Nagkita-kita naman ang magkakaibigan sa club room. Naroon ang lahat maliban kay Mau.

"If this is about paranormal staff and what you guys did, I'm not up for it." Kaagad na sabi ni Marie pagkapasok na pagkapasok.

"Uhm- ah- yeah. It's about that and-" hindi naituloy ang sasabihin ni Mike nang putulin agad siya ni Marie.

"Then good bye." Taas noong lumabas ng kuwarto si Marie.

Sinundan na lamang nila ng tingin ito bago lahat napatingin kay Anne.

"What?" Kita ang namimilog na mga mata ni Anne sa malaking eye glasses na suot.

"Hindi ka ba susunod bunso sa best friend mo?" Tanong ni Marc sa pinakabata nilang kaibigan at kabilang sa grupo.

Umiling-iling si Anne sabay pout na parang bata. "Nope, perooooo hindi rin ako sasama sa mga balak niyo."

"Oh eh ba't ka pa narito?" Taas ng kilay ni Jin.

Inayos ni Anne ang triangle shape na eye glasses. "Heheh! Para di ako huli sa balita."

Jin rolled her eyes. "Oh sino pa sa inyo ang gusto umalis?"

Magtataas sana ng kamay si Elle nang ibaba ni Lin ang kamay niya't pinandilatan.

Tumikhim muna si Mike bago magsalita. "As you all know--"

"Mike!" Humahangos na pumasok ng kuwarto si Mau. "Mike, may masama akong balita. Mali! Mali tayo, Mike!"

Pinaupo muna si Mau nina Mike. "Anong mali Mau?"

"Nakausap ko kanina si Ritz. Ang sabi niya'y may kasama siya sa red room. Isang masamang nilalang na hindi dapat lumabas."

"Sinasabi ko na nga ba't masama ang kutob ko." Seryosong sabi ni Iah. "A-ano pang sabi niya?"

"Nabanggit daw ng babae-"

"Babae?" Klaro ni Tom.

Tumango si Mau. "Ka-Kalumi raw ang pangalan."

May pag-aalalang nagkatinginan ang grupo.

"Kalumi.." Ulit ni Jhon. "Hindi ba't yun yung-"

Nasapo ni Ley ang noo. "Patay! Mukhang may pinakawalan tayong hindi dapat."

"Lagot talaga kayo." Segunda ni Anne. "Hindi niyo muna kasi pinag aralan."

"Tumigil ka nga diyan!" Saway ni Tom. "Kulang na kami ng time para mailigtas si Ritz."

"Nailigtas nga ang isang tao may naipalabas naman kayong hindi dapat." Anne frowned sabay martsa palabas. "Diyan na nga kayo!"

Napailing-iling si Aris. "Ano na ang gagawin natin ngayon?"

"Kailangan nating makausap pa si Ritz." Sabi ni Mike.

---------------------------------
Room 304

Naabutang nakatingin sa bintana si Lin ni Elle. Kita niya ang dulong sangay ng puno na muling lumabas ng bintana.

Nanlalaki ang mga matang nilapitan ni Elle si Lin. "Lin! Ano ka ba? Baka may makakita sa iyo. Nagbanyo lang ako kung anu-ano nanamang ginawa mo. Ipapaalala ko lang sa iyo na ang mga nasa kabilang kuwarto ay kakaiba rin at-"

"May sinabi sila sa akin.."

"Ha?"

"Isang nilalang na hindi rapat makalabas sa pinagkulungan sa kanya. Isang nilalang na magdadala ng kadiliman at kamatayan." Diretso lamang na nakatingin sa labas ng bintana si Lin.

"Ka-kamatayan?"

"Kamatayan sa mga Liwanag.."

"Si-sino?"

"Siya si Kalumi.."

"Kailangan natin silang balaan." Lilisan na sana si Elle ngunit pinigilan siya ni Lin.

"Sandali, alam mo namang hindi ko pa masabi ang tungkol sa kung sino ako hindi ba?"

"Ha?! Eh, paano yan?"

"Isa pa'y kailangan kong umalis. Kailangan kong bumalik doon. Hahagilap pa ako ng tungkol sa kanya. Pangako, pagbalik ko'y magtatapat na ako sa iba."

"Pero kapag pumunta ka roo'y malaki ang tsansang hindi ka na makabalik pa.."

---------------------------------------

Hanggang dito lang po muna. Sensiya galing pong sakit.

THE CLUB II: REVELATIONWhere stories live. Discover now