XII- Hello

1.2K 57 8
                                    

Kasalukuyang nasa isa sa malalaking kuwarto ng mga Zy sina Balziah. "Bantag Kalumi." Kuha ng pansin ni Balziah sa kasama. "Nais ko sanang malaman kung bakit hindi pa natin kitilin ang buhay ng mga Liwanag?"

Naglakad patungo sa tapat ng isang salaming bilog na may desenyong mga pink na rosas ang paliigid si Kalumi. "Dahil hindi ko pa siya kilala. Hanggat hindi nagbabago ang kulay ng kanyang mga mata'y hindi ko mararamdaman at malalaman kung asaan siya."

"Ang taong may bughaw na mga mata? Siya na ba ang huli?"

"Oo." Tinanggal ni Kalumi ang kanyang belo at ngumisi.

Lumitaw ang mga crack sa kanyang mukha. Napahawak siya sa kanyang pisngi. "Balziah, kailangan ko ng puso ng tao."

"Ako'y kaagad na kukuha ng puso ng tao."

"Huwag. Huwag kang papatay. Hindi pa ngayon ang oras. Baka may makatunton sa atin. Nakulong tayo ng matagal at kailangan magipon hindi lamang ng lakas kundi kaalaman."

"Ngunit saan ako kukuha ng puso?"

"Kumuha ka ng kaalaman sa mga alipin dito sa bahay."

Madali lamang iyon. Gamit lamang ng kuko ni Balziah na kusang humahaba kapag nais niya't itutusok sa batok ng sino mang gusto niyang basahin ang utak.

"Masusunod Bantag Kalumi."

Kaagad na lumabas ng kuwarto si Balziah. Kaagad namang ibinalik ni Kalumi ang tingin sa salamin. Ang dati niyang maganda at maamong mukha'y wala na. Dahil ito sa huli niyang pakikipaglaban na ginamitan niya ng sobrang lakas.

Hindi bale kapag nakitil ko na ang buhay ng mga Liwanag at ng huling gaya ko'y babalik ang aking kagandahan. Ako na rin ang magiging makapangyarihan sa lahat!

Konting tiis na lang. Kailangan lamang pagplanuhan namin ito ng maigi at maging maingat.

She hissed.

Magkikita rin tayo..
--------------------------------------------

Kalaliman na ng gabi ngunit hindi pa rin siya makatulog. Iniisip ang mga nabasa niya dati sa libro.

Hindi dapat magpalit ng kulay ang mga mata niya hanggat hindi pa niya lubusang kilala ang kalaban.

Hanggat hindi pa niya lubusang kontrolado ang sarili..

Hanggat hindi pa niya lubusang kilala ang sarili niya..

Natawa siya ng mahina.

Bughaw na mga mata? Ba't nga ba sa akin yun pinagkaloob? Isang may tinatagong sekreto..

Sekreto tungkol sa tunay niyang pagkatao na nagtatago sa katauhang hindi sa kanya..

---------------------------------------------

Lumipas ang mga araw at buwan hanggang matapos nila ang Sophomore year. Noong una'y nagsubok pa sina Mike mag imbestiga ngunit wala rin silang mahanap na kasagutan sa kanilang mga tanong.

Nalaman na rin ni Ritz ang matagal na niyang nais malaman. Ang tungkol sa totoong pamilya ng kanyang ama. Anak kasi siya sa pagkadalaga ng ina. Isang storya ng sawing pag-ibig sa pagitan ng kanyang mga magulang.

Matapos naman ng tatlong araw ay nakabalik din si Lin ngunit wala siyang naibigay na impormasyon tungkol kay Kalumi. Kapansin-pansin din dito ang pagiwas na sa grupo at pananahimik.

Unti-unting nagkawatak-watak ang magkakaibigan. Gustong ibaon ang lahat sa limot at tuluyang talikuran ang pagiging Liwanag.

Naging tahimik ang buhay nila hanggang matapos ang sophomore year. Wala namang kakaibang nagyari mula ng makuha si Ritz sa red room. Ngunit sa sobrang tahimik at ayos ng lahat ay nangangamba pa rin si Mike. Dahil parang may mali sa pagiging maayos ang lahat.. Hindi na lamang niya ito isinatinig at ginalang ang desisyon ng lahat. Ang isa pa'y nabigo niya ang dating professor bilang leader. Hindi niya napanatiling buo ang grupo..

-------------------------------------------

Kasalukuyang nasa linya para magbayad sa cashier ng tuition si Lin nang mabitiwan ang ballpen.


Dali-dali namang pinulot ng tsinitang babae sa kanyang likuran ang ballpen. "Here."


"Thanks." Pasalamat ni Lin sabay talikod muli. Mukhang naging mean ata ako.

Muling nilungon ni Lin ang babae na sa tantya niya'y mas bata sa kanya ng isa hanngang dalawang taon. "First year?"


Tumango ito.


"Welcome to high school! I'm Lin, 3rd year."

"Hello, I'm Jayze. Can we be friends?"

-------------------------------------------

THE CLUB II: REVELATIONWhere stories live. Discover now