IV- Basement

1.6K 84 0
                                    

First thank you sa mga nagvote, read at comment. And like I promised eto na advance pa hehe! enjoy!

--------------------------------------------------

Mango Tree

Pagkatapos ng klase ay nagpasyang magkita-kita ang ibang miyembro ng Club kasama si Phoebe sa dati nilang tagpuan at napagusapan ang plano papuntang basement.


"Hindi ba kayo nagtataka kung paano nalaman ni Ritz ang lahat ng yun?" Tanong ni Aris na bakas ang pagtataka.


"Ang totoo niyan na humaling si Ritz sa mga bagay na kakaiba. Bago siya nawala, ilang araw siyang abala at may pinupuntahan." Kuwento ni Phoebe. "Kapag tinatanong ko siya, ang sabi niya may nakilala raw siyang bagong kaibigan at tutulong sa kanya. Kinulit ko pa siya pero ayaw niyang magkuwento pa."

"Sino kaya ang kaibigan niyang yun?" Kunot noong napatanong si Iah.

"Palagay ko, may kinalaman siya sa red room." Wika ni Mike. "Ang importante ngayon ay kung paano natin maililigtas si Ritz."


"At paano mo naman gagawin yun Mike?" Tanong ng isang boses mula sa likod ni Mike.

"J-Jhon! Hehe! Kanina ka pa ba diyan?" Pekeng tawa ni Mike.

"Enough to hear what your planning." Seryosong sagot ni Jhon sabay lapit sa grupo. "At nakuha mo pang maglihim sa iyong Anino, Mike! Hindi ba sinabi kong tama na?"

Napakamot sa ulo si Mike sa tinuran ng kanyang Anino. "Alam ko kasing ayaw mo na at tututol ka sa balak namin. Kapag pinagpatuloy ko naman mapipilitan kang gampanan ang pagiging Anino mo. Ayokong maging labag sa loob mo ang pagsama sa amin."

Napabuga ng mahabang hangin si Jhon. "Sa tingin niyong apat, no offence meant Phoebe, hindi namin kayo hahanapin?!"

Hindi nakaimik ang lima.


"Sasamahan ko kayo." -Jhon.

"S-Sigurado ka?" -Mike.

Isang matalim na tingin ang isinagot ni Jhon.

"Sabi ko nga." Kamot ng ulo ni Mike.

"So let's plan?" -Carl.

------------------------------------

11:30pm

Palihim na nagpunta ang anim sa abandonadong building.


"At talagang dinala mo pa yang bolo mo?" Puna ni Carl sa bolong nakabalot sa pulang tela at nakasukbit sa isang balikat ni Jhon.

"Mabuti na'ng sigurado." -Jhon.

"Asaan ba yung daanang papasok?" Pabulong na tanong ni Phoebe sa mga kasama.

"Ang sabi ni Ley may butas yung pader. Maghiwa-hiwalay tayo masyodong malawak ang pader." Pahayag ni Mike.


Maya-maya'y nagvibrate ang cp ni Mike. It was a gm from Aris.

[Found it at the back sa likod ng patay na puno.]

Tama nga si Ley may butas ang pader na puwedeng daanan. Hindi lamang halata iyon kung hindi talaga titignang mabuti.

Pagapang na pumasok si Carl kasunod ang mga babae, sina Aris at Mike.

THE CLUB II: REVELATIONWhere stories live. Discover now