V- The Other Side

1.1K 59 0
                                    

Next chap wld. be tomorrow. Enjoy and Merry Christmas!

Room 303


Nagsitakbuhan sina Elle pabalik ng kuwarto nina Jin.


Natagpuan nila si Marie na nakatingala at walang makikitang puti ang mga mata kundi puros itim.

"Marie!" Yugyog ni Lin sa balikat nito ngunit para pa rin itong tulog.

"Nasaan ba ang iba?" Tanong ni Elle.

"Old building." Tanging sagot ni Jin. "Si Anne nama'y umuwi."


Muli nilang sinubukang gisingin si Marie. Maya-maya'y kumurap-kurap ito at nanumbalik na sa dati ang mga mata.


Dali-dali namang nagsalin ng tubig sa baso si Elle. "Oh eto inumin mo."

Nilagok kaagad ni Marie ang tubig bago nagsalita. "Ritz is at the other side. She's in a very dark place. May tali ang mga kamay at paa. Then someone or something ang lumapit sa kanya at parang hinihigop ang buhay niya."

"Nakita mo ba ang hitsura ng something na yun?" Usisa ni Lin.

"Hindi pero hugis tao." Sagot ni Marie. "Sandali, nasaan yung iba?"


"Hinanap si Ritz." -Elle.


Nanlaki ang mga mata ni Marie. "Baka mapahamak sila! Hindi natin alam kung ano ang mysteryong bumabalot sa red room."

"I need to go." Nagmamadaling sabi ni Jin. "Dito lang kayo at huwag na huwag kayong susunod."

"Sandali Jin." Pigil ni Marie at sinabi kung saan naroon ang basement.

------------------------------------------------

Halos lakad takbo si Jin papunta ng abandonadong building. Mabuti na lang at walang nakakita sa kanya.


Natagpuan din niya agad ang butas sa pader mabuti na lang at nagbigay sa kanya ng instructions si Marie.


Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan pagpihit niya ng pinto patungong basement. Mabuti at bukas ito. Nagtuloy siya pababa ng hagdan.


Kada apak niya ay nadadagdagan ang lamig na nararamdaman.


Para siyang nasa loob ng ref..


Hinanap niya ang mesa at aparador na may nakaukit na tatlong bulaklak na sinasabi ni Marie.


Ilang minuto niya itong hinanap.


Tama nga si Marie naroon ang maliit na pinto na sin taas lang ng kanyang bewang.


Marahil ay nakapasok na sina Mike dahil nausog na ang mesa at aparador.


Payuko siyang pumasok sa pinto. Bumaba siya sa paikot na hagdan.


At nang makababa siya sa isang kuwarto'y napasigaw siya.

"Mike!"


Dahil ang tagpong naabutan niya ay si Mike na sinaksak si Ritz mula sa likod gamit ng bolo.

THE CLUB II: REVELATIONWhere stories live. Discover now