VI- The Other Side II

1.2K 66 4
                                    

"Ba't feeling ko lumalamig?" Akap ni Tom sa sarili.


"I think this is it." Si Jhon habang nakatutok ang flashlight na hawak sa isang hindi gaano kalaking aparador. "Tawagan mo sila, Mike."


Ginawa naman ni Mike ang sinabi nito at tinawagan ang iba pa nilang kasama.

Maya-maya'y natagpuan din sila ng mga ito. Halos sabay-sabay nilang naitutok ang mga dalang flashlight sa pintong kasin taas lang ng bewang nila.

Si Jhon ang naglakas loob na humawak ng knob. "Are you ready?"


Sabay-sabay silang tumango.


"I'll go first, then Mike, Aris, Tom, Iah, Mau and Phoebe. Pahuli ka Carl." Ani ni Jhon.


Sinunod nila ang sinabi ni Jhon.


Payuko silang pumasok ng pinto pero pagkapasok nila'y maaari na silang tumayo. Maaari silang sabay-sabay bumaba ng hagdan ngunit hindi maaaring magkatabi dahil makipot yun.

Tutok na tutok si Jhon sa mga kasama lalo na sa mga Pinili habang pababa ng hagdan.


Nang makababa na'y luminga-linga sila at pinagmasdan ang bakanteng silid.

Hindi sinasadyang may tumamang bagay sa mukha ni Carl na siyang ikinatingala nito. "This might be the switch."

Hinila ni Carl ang nakasabit na manipis na chain at sumindi ang dilaw na bumbilya. Hundi gaanong maliwanag ngunit sapat na upang makita ang kabuuan ng room.

The walls of the room were made of unpainted hallowblocks.


Pula naman ang kulay ng floor eto yung tipong kailangan ng pulang floorwax.

Because of the dim light pansin na rin ni Mike ang usok na lumalabas sa kanyang ilong kapag humihinga siya. Mukhang tama si Tom, lumalamig nga.


"What now?" -Aris.


Lumapit si Mau kay Mike at inabot ang isang maliit at itim na libro. "Here."


Nagtatanong na mga titig ang pinukol sa kanya ng mga kasama.

"Anong-" Magtatanong sana si Mike pero pinutol kaagad siya ni Mau.


"Questions later." Hindi pa man natatapos ni Mau magsalita'y biglang namatay ang ilaw.


Mula sa pader ay may gumuhit na pulang liwanag. Naghugis pinto ito.


Lumitaw ang isang pulang pinto.


Walang makagalaw sa kanila.


Kasabay ng panlalamig ay nakaramdam si Jhon ng pangingilabot. Hindi ito maganda. Hinanda na niya ang kanyang sarili at nagdasal na sana'y dumating ang kapwa niya Anino.

Unti-unting nagbukas ang pinto kasabay nun ang pagatras nila.

Isang kamay ng tao ang lumitaw


bago ang ulo nito


kasunod ang katawan


mula sa parang tubig na salamin.

"Ritz!" Napasigaw sa kagalakan si Phoebe at agad itong tinakbo.

Mahigpit na niyakap ni Phoebe ang kapatid na sinuklian din nito.

Muling sumindi ang ilaw at naglaho ang pinto.

"Tayo na." Yaya ni Jhon sa mga kasama.

Inakay ni Phoebe ang kapatid patungong hagdan. Sila sana ang unang aakyat ngunit..

"Bitiwan mo siya!" Sigaw ni Mike na ilang dipa lang ang layo mula sa likuran nina Phoebe. "Lumayo ka sa kanya!"

Kunot noong bumaling si Phoebe kay Mike. Maging ang iba'y pinukulan siya ng nagtatanong na tingin maliban kay Ritz na nanatiling nakatalikod.

Nagsimulang gumalaw ang mga balikat ni Ritz parang pinipigilang humagikhik.

Hanggang sa tuluyan na itong humalakhak.


"Ritz?" Nagtatakang baling ni Phoebe sa kapatid ngunit bigla siyang sinakal nito gamit lamanh ang isang kamay habang nakayuko't tumatawa.

Naramdaman ni Phoebe ang unti-unting paghigpit ng hawak nito. "A-a-ano b-ba.."


"Phoebe!" Halos sabay-sabay na sigaw nina Iah dahil sa pagkabigla.

Dali-daling kinuha ni Mike ang bolong nasa balikat ni Jhon at mabilis na inalis ang tela.

Kaagad niyang sinaksak ito mula sa likod na siyang nakapagpakalas sa pagkakasakal kay Phoebe.

Napasigaw si Jin sa nasaksihan bago dali-daling bumaba. "Mike!"

Hinugot ni Mike ang bolo.

Humarap si Ritz na nakangisi at laking gulat nila sa nasaksihan.

Nagkaroon ng mga bitak ang balat nito tulad ng isang semento.

Ang mas ikinabahala nila ay ang kulay ng mga mata nito na


kulay bughaw!


Nagsimula namang umusal ng panalangin si Mau sa kakaibang salita na parang ikinagalit ni Ritz. Nagsimula itong lumutang sa ere at bumaliktad na ang mga paa'y nakatapak sa ceiling.


"Ikinagagalak ko ang muli nating pagkikita mga Pinili."


Nagpatuloy si Mau sa inuusal. Biglang humaba ang buhok ni Ritz at pumulupot sa leeg ni Mau. Mabilis naman ang pagkilos ni Jin at pinutol ang buhok nito gamit ng sariling bolo.

Humaba muli ang buhok ni Ritz ngunit napigilan ito ni Tom pero sadyang malakas ito at unti-unti siyang napapaluhod.

"Tom!" Nag aalalang sabi ni Jin.


Mabuti na lang at mukhang tumatalab na ang inuusal ni Mau.

.

Napaluhod si Ritz at dumaing. "Aaaaah!"

Naging alikabok si Ritz na siya namang pagsigaw ni Phoebe. "Ritz!"

"Hindi siya ang kapatid mo." Pahayag ni Mike. "Nakita ko ang totoong Ritz na naiwan sa loob ng red room. Kinakalampag ang salamin."

"Kailangan natin siyang makuha!" Naluluhang sabi ni Phoebe.

"Hindi ganoong kadali." Makahulugang sabi ni Mau.

"Anong ibig mong sabihin?"naguguluhang tanong ni Carl.

"Anong sikreto mo?" Diretsang tanong ni Aris.

Natuon ang lahat ng atensiyon kay Mau.


Huminga muna ng malalim si Mau bago muling nagsalita. "I'm a Cura.."

THE CLUB II: REVELATIONWhere stories live. Discover now