Chapter 12: Pagsubok

1.7K 54 0
                                    

November 08, CS344. Sa ngayon ay muli ng nagkita sina Eiel at Lisa. At kahit batid ni Fate ang tungkol kay Bul ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon. Sandaling nagmasid si Fate sa naturang lugar, ngunit tanging mga sasakyan at mga sandata na lang ang kaniyang nakikita maliban sa bakas ng mga pagsabog sa lupa, mga bakas ng dugo at mga basyo ng bala.

 

“Kamusta ka na, Fate?” Masayang pagkakasambit ni Bul.

 

“Pero papaano? Kitang-kita ko nung matalo ka nina Khastro at mapatay!” Sambit ni Fate.

 

“Pasensya na pero isa lamang yong panlilinlang. Nagawa ko yun para malaya ng magawa ni Khastro ang mga gusto niya.” Tugon ni Bul.

 

“Pero bakit? Bakit mo yun ginawa?” Tanong ni Fate.

“Dahil wala akong karapatang pigilan sina Khastro na isakatuparan ang misyong iniwan sa’min ng mga subtellon. Kami ay mga sandatang nilikha nila upang wasakin ang planetang ito. Ngunit naisip kong hindi na yon magiging masaya pa, kaya hinayaan ko na lang sina Khastro sa gusto nilang gawin at kasama ko si Tosara sa planong yon. *Hehehe.” Tugon muli ni Bul.

 

“Kasama ba sa plano nyo ang wasakin ang bayan na’min?!” Galit na pagkakasambit ni Lisa.

“Patawad, Lisa. Pero hindi na’min inaasahan ang pangyayaring yon. Kasalanan ko kung bakit nasira ang bayan ng Loren, dahil nag malfunction ang clone na ginawa ko. Nagdulot ito ng malakas na pagsabog, dahil may Bulmium ding nakapaloob sa clone na yon.” Tugon ni Bul.

 

“Clone?” Nagtatakang pagkakasambit ni Fate.

“Ganon na nga. Mahirap idetalye kung papaano nangyari, ngunit nakalikha ako ng sarili kong clone at ang clone na yon ang nakalaban nina Khastro. Lubha yong napinsala at ang bagay na yon ay hindi ko inaasahan dahil kinokontrol ko ito sa malayong distansya. Nag-leak ang Bulmium sa loob nito at ito ang dahilan ng malakas na pagsabog.” Sambit muli ni Bul.

“At papaano naman ang nangyari kay Eiel? Kasama ba sa plano nyo ang makita na’min siya?” Tanong muli ni Lisa.

“Pasensya ka na Lisa, dahil tama ang mga sinabi mo. Patawad din dahil hindi ko pa maibibigay sayo ang bagay na ipinangako ko. Marami pa kaming plano na dapat isa-katuparan ni Bul.” Tugon ni Eiel.

Napalohood na lang si Lisa matapos marinig ang sinabi ni Eiel at kasabay nito ay ang mabagal na pag-agos ng kaniyang mga luha.

 

“Ang patayin ka? Sa tingin mo ba ay kaya kong gawin ang bagay na yon kahit nalaman ko na ang katotohanan? Bakit ba kasi napalapit ako sayo?” Umiiyak na pagkakasambit ni Lisa.

 

“Patawad, Lisa. Tulad mo ay kapatid din ang turing ko sayo at pati na rin kina Elris at Louise. Lahat kayo ay mahalaga sa’kin at hindi ako papayag na may mangyayaring masama sa inyo.” Sambit muli ni Eiel.

Gun X BountyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon