Chapter 2: Rare bullets

3.5K 97 16
                                    

Makalipas ang kahalating oras ay narating na ng magkapatid ang naturang burol. Agad silang nagkubli sa mga bato at gamit ang binoculars ay maingat nilang hinanap si Bul-khatos at ang mga kasama nito.

“Nakita mo na ba sila Eiel?” Tanong ni Lisa.

“Wag ka ngang magmadali! Baka mga naka-camouflage coat ang mga yon, kaya tumahimik ka na lang dyan at maghintay.” Tugon naman ni Eiel.

“Okay, okay!” Medyo dismayadong pagkakasambit naman ni Lisa.

Matapos magsalita ay agad ng inihanda ni Lisa ang kaniyang Eagle’s eye. Inilatag na niya ito sa isang patag na pwesto at gamit ito ay sinubukan niyang hanapin ang kanilang mga target. At makalipas lang ang ilang mga minuto ay matagumpay ng nahanap ni Eiel kung saan nakatago ang mga ito.

“Nakita ko na sila! 4 o’clock! Sa gilid ng malaking bato, may tatlong tao na naka-camouflage coat!” Sambit ni Eiel.

 

“Ayos! Alam mo na ang gagawin mo, Eiel.” Nakangiting pagkakasambit ni Lisa.

“Oo na! Oo na! Pero tipirin mo yung blast bullet ah! Ilang piraso na lang non ang meron tayo.” Medyo dismayado namang pagkakasambit ni Eiel.

“Wag kang mag-alala, isa blast bullet lang ang gamitin ko.” Tugon naman ni Lisa.

Sa mga oras na ito ay ibinaba na ni Eiel ang kaniyang gamit na binoculars at matapos nito ay nilagyan na niya ng mga bala ang kaniyang Rotten Skull. Nag bulsa din siya ng ilang mga bala, dahil anim na putok lang ang kaya ng kaniyang baril. Ilang sandali pa ay mabilis na itong bumaba patungo sa lugar kung saan niya nakita yung mga bandido. Samantala, laking pagtataka at gulat naman ni Phuz habang pinanonood ang mabilis na pagbaba ni Eiel sa burol.

 

“Nasisiraan na ba siya ng ulo!? Bakit siya bumaba!? Gusto na ba niyang mamatay agad!?” Sambit ni Phuz derekta sa kaniyang isipan.

Agad napansin ng mga bandido si Eiel, kaya naman agad nilang pinaputukan ito.

 

*** SFX: RATATATATATATA! PUN PUN PUN PUN PUN! TUTUTUTUTUTUTUN! ***

 

“Baliw! Isa ngang baliw ang lalakeng yon!” Sambit ni Phuz.

Nagulat si Phuz matapos pumasok sa kaniyang isipan ang kaniyang mga sinabi, kaya dahan-dahan niyang nilingon si Lisa.

 

“Patay! Sana hindi niya ako nakita.” Sambit ni Phuz derekta sa kaniyang isipan.

Pero laking gulat niya matapos makitang nakatitig sa kaniya si Lisa. Pero mabuti na lang at hindi na siya pinansin nito, dahil ibinalik nitong muli ang kaniyang atensyon sa teleskopyo ng kaniyang baril na kasalukuyan ngayong nakatutok sa lugar kung nasaan yung mga bandido.

“*Huh? Bakit parang wala siyang paki-alam sa’kin? At bakit parang hindi siya nag-aalala sa kapatid niya!?” Tanong ni Phuz derekta sa kaniyang isipan.

Gun X BountyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon