Chapter 25: Sa pagkawala ng mga kaibigan.

982 46 5
                                    

Kinagabihan, magkakasama na ngayon sina Sazs sa kanilang bahay at naghihintay na lang ng tamang oras upang umalis. Tanging sa kani-kanilang gamit na communication devise na lang sila nag-uusap upang makasiguro na wala na silang ingay na magagawa pa.

 

"Mami-miss ko talaga si Ruwii." Sambit ni Zaak.

"Pwede bang lenggwahe na na'tin ang gamitin na'tin? Sa totoo lang ay nahihirapan akong sumabat sa inyo sa oras na nag-uusap kayo gamit ang mga lenggwahe ng nadirion." Sambit ni Liri gamit ang kanilang lenggwahe. xD

Napangiti na lang ang lahat habang nasa loob ng mga gamit nilang artipisyal na katawan. Sa pagkakataong ito ay nag-usap na sila gamit ang kanilang orihinal na lenggwahe.

 

"Okay nauunawaan ko. Siguro naman okay na diba?" Sambit muli ni Zaak.

 

"Yan! Pero teka lang, anong oras nyo ba balak umalis dyan?" Sambit muli ni Liri.

 

"Mga dalawang oras pa at aalis na kami. Kina-kailangan na'ming umalis sa kailaliman ng gabi para walang makapansin sa aming pag-alis." Sambit ni Sazs.

"*Hmm.. Ang mabuti pa ay maglibang muna kayo dyan at hihintayin ko pang makabalik dito ang ilan pa na'ting spectator bugs. Posible ring maghintay pa tayo ng ilang mga oras dito para lang sa pagbabalik nila." Sambit muli ni Liri.

 

"Okay nauunawaan ko. Ang mahalaga naman sa ngayon ay ang tahimik na'ming pag-alis dito." Sambit muli ni Sazs.

 

"Okay.. Sige mamaya na ako makikipag-usap sa inyo at titingnan ko muna ang kalagayan ng na'ting sasakyan." Sambit muli ni Liri.

 

"*Eh?! Wag mong sabihing ngayon mo pa lang ito titingnan?!" Sambit ni Raar.

 

"Hindi ah! Itse-check ko lang ulit! Mainam na ang makasiguro para hindi na tayo magkaroon pa ng problema."Sambit muli ni Liri.

 

"*Ahh! Linawin mo kasi! Medyo kinabahan tuloy ako don!" Sambit muli ni Raar.

 

"Tama na nga yan at hayaan mo na si Liri na gawin ang mga gagawin niya." Sambit ni Yuuk.

 

"Okay!" Sambit muli ni Raar.

Matapos mag paalam ni Liri ay nagkwentuhan na lang sina Sazs hanggang sa tuluyang lumipas ang dalawang oras.

 

"Okay! Oras na para umalis sa bayang ito." Sambit ni Sazs.

Sabay-sabay napatugon ang lahat at ilang sandali pa ay tahimik na silang lumabas ng bahay dala ang ilan sa kanilang mga gamit. Marahan at maingat silang naglakad papalayo sa kanilang bahay, subalit ng mga oras na ito ay saktong nagising si Ruwii at napansin niya sa labas ng kanilang bintana sina Sazs.

 

"*Huh? Sina Sazs ba yon? Pero saan naman sila pupunta ng ganitong oras?" Sambit ni Ruwii.

Gun X BountyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon