Chapter 27: A Trip to Remember

1.4K 23 2
                                    

(K E V I N)

Palubog na ang araw noon'g pabalik na kami ng hotel. Napansin ko ang ganda ng kulay ng langit habang nagtatago na ang pagod na hari'ng araw.

   Siniko ko bigla si Hani sa gitna ng pagkain niya nang nadaanan namin'g Mango sticky rice.

     “Bakit ba?” naiinis niya'ng tanong dahil kamuntikan siya'ng mabilaukan sa pagsiko ko sa kanya.

     “Sabi sayo, mas maganda ang sunset.”

     “Nagsisimula ka na naman.”

   Napangiti ako.

      “Pero sige, maganda nga rin 'yun'g sunset... pero mas maganda pa rin talaga 'yun'g sunrise.” pagpupumilit pa rin niya.

     “Sunset pa rin.”

     “Sunrise.”

     "Sunset."

     "Bakit ba tayo nagtatalo e pareho naman sila'ng araw?"

   Natigil ako sa pagsagot dahil may punto naman siya.

     "Parang sinasabi mo lang kung ano'ng oras ka mas maganda, pagkaalis mo ng bahay o noon'g pauwi ka na?" she's good in reasoning.

   Nangunot bigla ang noo niya, "Pero sa kaso'ng 'yun, mas presko ako kapag palabas ako ng bahay kaya—" tinapik niya ang tiyan ko, "—sunrise pa rin."

     “Ah basta, may magic sa sunset.” hindi pa rin ako nagpatalo kahit na mas logical ang sinasabi niya.

     “Huh? Ba't napunta na sa magic-mag—”

     “Kasi pinapakita dito na there’s always a good side even in goodbyes.”

     “Ano? Lalim nun ah.”

  Bumuntong-hinga ako at tiningnan ang langit.

     “Diba nga kahit na magpapaalam na ang araw, maganda pa rin ito'ng tingnan? Kahit na minsan duguan ang langit.”

   Hindi siya agad nakasagot.

     “Maganda rin naman ang sunrise, kasi pinapakita nito na may bago'ng umaga, kaya hindi ka dapat sumuko." the tone of her voice made me look at her again.

     "Alam mo dati, kapag nakikita ko na papasikat ang araw, napapangiti nalang ako. Kasi ibig sabihin nun, nasurvive ko ang kahapon, at may panibago ulit ako'ng araw na haharapin.”

   She's always been that young lady with a feisty aura. Pero kapag kami lang dalawa, pinapakita niya sa'kin kung sino talaga siya. Kagaya nang sinabi niya sa'kin noon, sa likod nang matapang na babae ay isa'ng bata'ng naghahanap lang ng pamilya at matatawag na tahanan.

   Bumuntong-hinga ako.

     “Nagpapakasenti ka ata.” nasabi ko pagkatapos.

     “Sino ba'ng nauna?”

   Natawa ako.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now