25.1

1.4K 31 3
                                    

( H A  N  I )

Ni hindi man lang nag-offer tumulong? Manhid talaga.

   Pikon na pikon ako kay Kevin talaga. Ano ba naman 'yun'g maghati kami sa mga gawain'g bahay diba? Robot nga nag-o-overheat, ako pa kaya?

     “Hani! Baka maubos na 'yan'g mga pinggan natin!” sigaw ni Kevin bigla galing sa sala dahil padabog ko'ng inilalagay ang mga plato. Pinapahalata ko talaga na nagrerebelde ako.

     “'Wag ka'ng mag-alala! May baso’t mangkok pa naman!” pamimilosopo ko.

     “Ano'ng sabi mo?!”

     “Wala!”

   Manhid na nga, bingi pa! Kainis!

   Nang matapos na ako sa paglalaba ay ang hagdan naman ang next mission ko. Kinakailangan ko'ng e-map ito gamit ang basahan—modern day Cinderella lang naman ang peg ko. Kailangan bawat sulok ng hagdan wala'ng kahit ano'ng alikabok. 22 years old lang ako pero ang sakit sa likod ko pang-nwebenta anyos na.

   Iniisip ko nalang na ang mukha ni Kevin ang pinupunasan ko kaya mas lalo ko'ng dinidiin ang pagpupunas sa bawat baitang ng hagdan.

     “Kainis ka! Nakakapikon ka! Tubuan ka na sana ng puso. Please!” pagdadabog ng utak ko. Sarap burahin ng mukha ng ulupong sa bwesit ko.

  




Nang pupunasan ko na ang ilaw ay kinailangan ko na talaga'ng hingin ang tulong ni Kevin. Hindi naman ako katangkaran kaya pa’no ko malilinis 'yun?

   Pinuntahan ko siya sa sala at nadatnan'g nanunuod ng Sci-Fi na pelikula habang kandong-kandong ang bukas niya'ng laptop.

     "May kailangan ka?" sa TV screen ang tingin.

     "Gagambalain sana kita kahit saglit."

     "Ano 'yun?"

   Pumayag na siya agad?

     "Hoy." sita niya nang matameme ako.

     “Ano..." na may pagkamot sa likod ng tenga, "Pwede ba'ng pakihawakan ng bangko na tutuntungan ko? Lilinisin ko kasi 'yun'g chandelier sa dining area. 'Wag ka'ng mag-alala, hindi ka naman pagpapawisan dun.”

   Tumingin si ulupong sa’kin.

   Napaka-ano rin nang mukha nito'ng moko'ng na 'to.

   Bigla siya'ng tumayo kaya napaatras ako kahit papa'no.

     “My pleasure to help you.” may pagngiti pa siya.

     “Tigilan mo nga ako sa kaplastikan mo. Kadiri ka.”

     “Ikaw na nga 'to'ng tinutulungan ikaw pa ‘to'ng galit.”

     “Hindi ka naman kusa'ng nag-alok ng tulong.”

     “So gusto mo suyuin kita?”

     “Hay ewan. Tara na nga.”

   Nauna ako'ng humakbang pabalik ng kusina.


(K E V I N)

Kunot-noo ko'ng sinundan si kutong-lupa sa kusina. Mag-isa siya'ng tumuntong sa bangko na lampas bewang niya ang taas, ni hindi man lang nagpaalalay? Papa'no kung natumba siya? Paano kung mabagok ang ulo niya sa marmol na sahig? Kakaiba rin talaga ang babae'ng 'yun—kay tapang.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now