Chapter 15: She's Neglected

1.4K 22 4
                                    

( H A  N  I )

Nang mapapayag ko si Kevin tungkol sa panunuod ng sine, talaga'ng hindi ko na alam kung sa’n ko ilalagay ang iba'ng kilig na nararamdaman ko. Hindi ako halos makatulog dahil iniisip ko kung ano 'yun'g isusuot ko at kung ano'ng mangyayari sa panunuod namin ng sine. Siguro magtatalo na naman kami habang nanunuod, o 'di kaya ay makatulog siya, o baka ako ang makatulog! Imposible. Mukha ni Ethan ang makikita ko sa big screen kaya imposible'ng tulugan ko lang ‘yun. Baka nga kahit tapos na 'yun'g movie ay hindi pa rin ako nakakaget over at baka nakaupo pa rin ako.

   Excited na excited na talaga ako para sa movie date namin ni ulupong.




(K E V I N)

Alas kwatro ng hapon, napatingin ako sa wrist watch ko at bigla'ng ngumiti. Buti nalang at wala'ng masyado'ng trabaho na nakaabang sa’kin sa araw na ‘yun kaya pwede ako'ng umuwi nang maaga at samahan si Hani sa panunuod ng sine. Kahit hindi ko idolo 'yun'g bida ron, ayos na rin sa’kin 'yun. Kaya naman kami manunuod ng sine para sumaya si Hani at makabawi na rin ako sa kanya sa ilan'g beses na palagi ko siya'ng naiiwan'g mag-isa sa bahay.

     “Hello, ulupong.” sagot niya nang tawagan ko siya habang nagmamaneho pauwi.

   Napangiti ako.

     “Malapit na ako sa bahay, lumabas ka na ng gate.”

     “Ok.”

   Napangiti ulit ako at binilisan ang pagmamaneho.

  

Palapit na ang kotse ko sa gate ng bahay namin at agad ko nang nakita si Hani na nakatayo. Aakalain mo talaga na teenager siya sa malayuan.

   Bumusina ako na agad na nagnakaw ng atensyon niya. Natawa ako nang makita ko ang pagkakagulat niya. Ang cute lang talaga niya kahit na ano'ng gawin niya.

   Nang makita niya ang kotse ay napalitan nang matamis niya'ng ngiti ang gulat na naramdaman niya nang bumusina ako. Tumakbo pa siya papasok ng kotse ko.

     “Akala ko joke mo lang 'yun'g kanina eh.” habang sinusuot ang seat belt niya.

     “Ba’t naman ako magbibiro?”

     “At ba’t naman hindi? Dun ka sanay diba? Ay mali, sa pang-aasar ka pala sanay.”

   Ngumiti ako at sinundot ang noo niya.

   Nakakamiss din talaga siya.

     “Ano ba?!” inis niya'ng reklamo. Aliw na aliw ako sa pagkunot ng noo at paglubo ng pisngi niya.

   Inayos niya agad ang buhok niya'ng nagulo dahil sa pagkakaalog ng ulo niya.

     “Pasalamat ka pera mo 'yun'g gagamitin sa pagbili ng ticket. Samahan mo na rin nang snacks, para bayad ka na sa pangsusundot mo sa noo ko.”

     “Oo na.” at pinaandar ko na ulit ang kotse.

   Palihim ako'ng ngumiti. Iba ang saya ko sa tuwing kasama ko siya. Parang ang kampate ko lang kapag nakikita ko siya.





Kumakanta na naman si Hani nang may hindi ko maintindihan na lyrics. Ang sabi niya themesong daw 'yun ng teleserye ni Ethan. Pati themesong na hindi niya maintindihan, kinakabisado niya. Ganun talaga siya kabaliw sa lalaki'ng ‘yun.

   Nang sulyapan ko siya ay napangiti ako. Halata sa mukha niya na excited at masaya siya.

     “May pakanta-kanta ka pa, baka naman pagdating natin dun hindi mo maintindihan ang salita nila.” pang-aasar ko.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now