29.1

1.2K 17 3
                                    

(K E V I N)

"Hindi ho tama na pinagsasalitaan niyo nang ganyan 'yun'g tao." pagtatanggol ko kay Monique laban sa sinabi ni Mama.

     "Eh ano'ng tawag mo sa babae'ng 'yun? Kevin, may asawa ka na, pero ba't dumidikit pa rin siya sa'yo?! Eh kasi malandi siya!"

     "Hindi naman mangyayari 'to kung hindi mo 'ko pinilit na ipakasal kay Hani. Sa ginawa niyo, kami'ng tatlo ang naiipit!" galit na sagot ko kay Mama.

   Natigilan ito at bahagya'ng kumalma ang boses.

     "Hanggan'g ngayon ba, 'yun'g kontrata pa rin ang iniisip mo? Wala ba'ng nagbago sa loob ng mga buwan na magkasama kayo?"

     "Alam mo ang sagot diyan, Ma." at tinalikuran na si Mama. Pagbukas ko nang pintuan ng bahay ay natigilan ako nang makita si Monique.

     "Monique?"

     "Kontrata lang ang kasal niyo ni Hani?"

   Hindi ako nakasagot, napayuko si Monique at parang hindi niya 'ko kaya'ng tignan. Tumalikod siya at nagmadali'ng umalis.

     "Monique." pigil ko habang sinusundan siya.

   Lumingon siya sa'kin at pinigil ang luha niya. Napailing siya at nagmadali'ng pumasok ng kotse niya. Bumalik ako sa nilalakaran ko at sumakay sa kotse na nasa garahe para sundan si Monique.

"What are you doing here?" tanong niya pagdating sa tapat ng bahay niya.

     "Please, let's talk."

     "Talk about what? Ano na naman ba'ng kasinungalingan ang sasabihin mo?"

     "I'm here to explain."

   Tinitigan ako ni Monique, nasasaktan siya, kita'ng kita sa mga mata niya. Ilan'g saglit pa ay pumikit siya at bumuntong-hinga.

     "Alright. Mag-usap tayo sa loob." pagpayag niya at tinalikuran na ako.

   Maging noon'g nasa sala kami'ng dalawa ay hindi pa rin ako magawa'ng tingnan ni Monique.

     "Mo—"

     "Ba't mo 'ko niloko?" naluluha'ng tanong niya sa'kin.

     "Hindi ko sinasadya."

     "All this time, akala ko pinagpalit mo na ako sa babae'ng 'yun. Ilan'g buwan din ako'ng nagdusa kasi ikinasal ka sa iba, kasi akala ko hindi mo na ako mahal! Kevin, ba't hindi mo nalang sinabi sa'kin agad na kontrata lang ang kasal niyo ni Hani?"

     "Dahil 'yun ang gusto ni Mama."

     "At pumayag ka naman? Palagi mo'ng sinasabi na nasasakal ka na sa pangma-manipulate ng Mama mo, pero sinusunod mo pa rin lahat ng gusto niya. Sabihin mo sa'kin ang totoo, mahal mo ba si Hani?"

   Hindi ako nakakibo.

     "Answer me! Do you love her?"

   Napabuntong-hinga lang ako.

   Mas lalo'ng napaiyak si Monique at tumayo para yakapin ako.

     "I love you. I still do." bulong niya habang humihikbi.

     "Monique." wala ako'ng iba'ng reaksyon.

     "Hindi naman totoo ang kasal niyo diba? Kontrata lang 'yun. Maghihiwalay rin kayo, right?"

   Hindi ko na rin sigurado kung gusto ko pa'ng pakawalan si Hani.

     "Kasal pa rin ako. Hindi tama 'to."

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon