Chapter 14: She's Jealous

1.2K 18 0
                                    

( H A  N  I )

Isa'ng gabi, tulog na sana ako pero ginising ako ng isa'ng tunog galing sa ringtone ng cellphone ni Kevin. Kinalabit ng paa ko ang bewang niya pero hindi naman nagising 'yun'g ulupong. Bahagya ako'ng bumangon at tiningnan ang nakatagilid na lalaki. Kinamot ko 'yun'g ulo ko at inabot ang cellphone na nasa katabi niya'ng side table.

   Agad nagsitaasan ang mga kilay ko nang mabasa ko ang pangalan ni Monique.

     “Ano na naman ang kailangan ng babae'ng ‘to? Dis oras na ng gabi pero tumatawag pa rin sa lalaki'ng may asawa.” napipikon ko'ng sabi, pagkatapos ay inilapag ko na ulit ang cellphone sa side table at humiga na ulit.

   Buti nalang at hindi nagising si Kevin, baka gusto na naman'g makipagkita ng babae'ng 'yun. Hindi pa ba talaga siya kuntento na mas madalas nga niya'ng nakikita at nakakasama si Kevin? Sa pagtulog ko nga lang pwede'ng makasama si ulupong tapos guguluhin pa ng babae'ng 'yun.

   Sa loob ng Jacksbridge, ay napansin ko na madilim ang kalangitan at mukha'ng uulan ata.

   Nasira na naman ang mood ko.

     “Hay, December na, ramdam ko na ang Christmas.” sabi ni Lea.

     “Tama, ang lamig na nga ng simoy ng hangin.” sagot naman ni Bree.

     “Speaking of malamig ang simoy ng hangin, I feel sorry for myself.” parte ulit ni Lea.

     “Ba’t naman?”

     “Eh kasi kayo'ng dalawa ni Hani may mga partners na, kaya hindi malamig 'yun'g pasko niyo, samantalang ako single pa rin.”

     “Pero mas maswerte si Hani kasi asawa 'yun'g meron siya hindi kagaya ko na boyfriend lang.” 

   Napatingin ako sa kanila'ng dalawa at sumingit para magtanong.

     “Sa tingin niyo maswerte ako?”

     “Oo, hindi ba?”

     “Kung alam niyo lang.”

     “What do you mean?”

     “Kung alam niyo lang— kung alam niyo lang kung ga’no ako ka swerte ng bonggang-bongga sa asawa ko.” ngumiti pa ako pagkatapos para mas convincing.

     “Kaya nga ako naiingit eh.” sagot ni Lea.

   Maswerte ka nga Lea dahil hindi mo kailangan'g isipin ang estado ng puso mo. Mas mabuti nang wala'ng tao'ng minamahal, kasi 'pag may minamahal ka, masasaktan ka lang rin at wala ka'ng excuse para hindi masaktan.

   Tumingin ulit ako sa labas ng bintana at unti-unti nang pumapatak ang ulan.

     “Umuulan na naman.” pansin ko.

     “Ay, oo nga. Kaya pala ang lamig-lamig ng hangin.” pagsang-ayon ni Lea.

     “Yey! Tiyak ihahatid na naman ako ni Bebs at habang naglalakad kami ay nakasukob kami sa iisa'ng payong.”

     “Ay, ang sweet niyo naman'g tignan. Kainis.”

     “Super at nakakakilig lalo na’t aakbayan niya ako at hahawakan niya ang siko ko. Tapos mararamdaman ko ang warmth sa katawan niya at 'yun'g tibok ng puso niya.”

     “Nang-iinggit ka naman eh.”

     “Just sharing.”

   Habang nakikinig ako sa usapan nila'ng dalawa, at habang dini-describe ni Bree ang tungkol sa kanila ni Boom. Mukha ni Kevin at Monique ang nasa isipan ko na ginagawa ang sinasabi ni Bree.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now