KABANATA 20

198 40 6
                                    

Mayani's Pov

Lumipas ang ilang linggong pananatili ko sa silid na puno ng alaala naming dalawa. Kahit anong tawag ko sa pangalan niya, kahit anong hanap ko sa kaniya, wala pa ring 'siya', kahit man lang lamig ng presensya niya ay wala.

Lahat na ata ng pagdadasal at pakiusap ko para bumalik siya ay nagawa ko na. Hindi ako makatulog ng maayos dahil sa akalang darating siya sa hindi inaasahang oras. Hinihintay ko pa ring marinig ang boses niyang sinasambit ang pangalan ko. Hinihintay ko pa ring yayain niya akong manood ng mga palabas. Hinihintay ko pa ring maramdaman ang malamig niyang yakap.

Sa loob ng maraming linggong wala siya, para akong nawalan ng lakas at enerhiya. Para akong gising na tulog, para akong buhay pero patay. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nawalan ako ng ganang kumain, kumilos, ang tangi ko lang ginagawa ay tumunganga habang gumugulo sa isipan ko ang imahe niya.

Noong una kaming nagkita, kung paano ako mahimatay at tumili ng malakas dahil sa takot sa kaniya. Noong mga panahon na nagtatampo siya dahil nilalait ko ang mala-kandila niyang amoy at ang mapuputla niyang labi. Noong sinisilipan niya ako sa banyo, noong kinantahan ko siya gamit ang gitara..

Lahat ng iyon bumabalik sa isipan ko. Kung paano ako kiligin sa mga banat niya. Noong sinabi ko na walang huhusga sa aming dalawa. Noong masaya at naghaharutan pa kaming dalawa. Sana hindi na lang iyon natapos. Sana nandidito pa rin siya.. Kasi ngayon ako na lang mag-isa eh. Naiwan lahat sa akin ang mga alaala.

Ang sakit. Nasasaktan ako sa isiping hindi na siya babalik. Parang pinipiraso at dinudurog ang puso ko ng walang kalaban-laban. Kung kailan wala na siya, saka ko lang nalaman na malalim na ang nararamdaman ko para sa kaniya. Masyadong mabilis ang pangyayari para sa aming dalawa,  kaya hindi ko napagtatanto na sa bawat araw na lumilipas.. lalo lang akong nahuhulog sa kaniya.

Saka ko lang nasabi kung kailan wala na siya sa tabi ko. Kung kailan hindi ko na siya makikita, mayayakap, at mahahagkan. Ang tanga-tanga ko dahil ngayon ko lang nalaman 'to. Nakakainis! Naiirita ako sa sarili ko! Sana nalaman ko ito noong nandito pa siya. Sana napahalagahan ko pa ang mayroon sa aming dalawa.. Sana hanggang ngayon.. nandito pa siya..

S-sana.. Hindi ko na lang inalam kung sino siya.. Sana hindi na lang niya naalala ang nakaraan niya.. Sana.. hindi na siya nawala.. Sana matagal pa kaming magkakasamang dalawa..

Kung maibabalik ko lang ang oras. Kung papayagan lang akong maitama ang lahat. Hindi ko hahayaang mawalay kami sa isa't-isa. Hindi ko hahayaang hahantong kami sa ganito! P-pero wala eh.. Nangyari na.. Wala na akong magagawa pa kundi ang umiyak ng umiyak sa pangungulila sa kaniya.

Wala akong maintindihan sa nangyayari. Parang blangko sa akin ang lahat. Iyong mga sinabi niya, 'yong mga dapat kong maalala. Kung bakit siya naghintay dito sa tagal ng panahon.. Kung bakit niya ako hinintay sa loob ng limang taon. Alam kong mayroon akong dapat alalahanin. Alam kong may dapat akong balikan na matagal ng nawala. Sa mga nasabi sa akin ni Ethan noon, nagtutugma rin sa mga sinasabi niya. Kailangan kong maalala lahat! Gusto kong malaman lahat!...

Pero sa tuwing sinusubukan kong alalahanin, sa tuwing pinipilit ko ang sariling utak na alalahanin lahat.. Nanghihina lang ako at sumasakit lang ng sobra ang ulo ko. Hindi ko kayang ibalik ang nawala sa isipan ko. Kahit anong pilit at subok ko.. sa huli ay nasasaktan ko lang ang sarili ko.

Sinubukan kong humingi ng tulong kay Vienna dahil siya lang ang kasama ko sa mga nagdaang taon. Ngunit hindi ko siya ma-contact. Pati siya na kailang-kailangan ko ngayon ay wala rin. Para akong pinagkakaitan ng tadhana. Pakiramdam ko ay mag-isa na lang talaga ako.

Kasabay niyon ang pagkawala ni Ethan sa apartment na 'to. Kahit anong pagsigaw at pagkatok ko sa pangalan niya ay hindi siya dumadating. May nakapagsabi na umalis na siya bago pa man mawala si Cas.. Semper.

SPECTER OF OUR PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon