KABANATA 17

198 35 15
                                    

Maya's Pov

Ilang beses na kumatok sa silid ko si Ethan. Siguro'y namumula na ang kamay niya sa kaka-katok. Ngunit kahit na ganoon ay hindi ko ito pinagbuksan, kahit pa na patuloy niyang sinisigaw ang pangalan ko mula sa labas. Gusto ko siyang makausap tungkol sa nangyari kahapon at gustong-gusto ko ring pagbuksan siya ng pintuan ngayon, ngunit nananaliksi agad ang tingin ni Casper.

Tinitingnan niya ang pintuan na parang nakikita doon si Ethan at parang sinasabing, 'Pag bumukas 'to, bubungad sa'yo ang kamao ko'.

Kaya hindi ko na lang binuksan ang pintuan at kunwari'y naglilinis ng buong sala. Siya naman ay hindi maalis ang tingin sa pintuan.

"Sana ako na lang ang pintuan." maya-maya'y sabi ko.

Naagaw ko ang atensyon niya at napatingin siya sa akin na may nagtatanong na mga mata.

"Bakit?"

"Para ako na lang ang lagi mong titigan.. HAHAHAHA!" halakhak ko ko na kinangiwi niya.

"Psh!" tanging singhal niya at muling tumuon sa pintuan. Napasimangot naman ako.

Ano ba 'yan? Nagseselos na ako sa pintuan ah! Hindi niya ako pinapansin dahil sa bagay na 'yon! Bwisit.

Napamaywang akong humarang sa pintuan kaya't nasa akin ang tingin niya na may pagtataka.

"Kanina ka pa nakatingin dito, ah? Hindi naman makakapasok si Ethan dito--"

"Don't mention his name." seryoso niyang sabi.

Taennaa!

Feeling ko ang ganda-ganda ko dahil napakaaaaa-seloso niyaaaa! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

"Hindi naman 'siya' makakapasok dito dahil naka-lock ang pintuan." ani ko.

"Whatever. I still hate the idea of him knocking on 'our' door." madiin niyang sabi.

Take note the 'our'.

Kami daw mga teh!

Maiinggit kayo pleaseee.

Pigil kilig akong umayos ng tayo at tinaasan siya ng isang kilay. "Gusto mo bang labasin ko siya at sabihing huwag ng kumatok sa pintuan?"

"What?" nangulubot ang noo niya. "Edi makikita ka na niya! No way. Ignore him and stay here." mapang-utos niyang sabi.

Tsh! Bossy masyado.

Napailing-iling ako at nagtungong kusina. Kanina pa naman tumigil sa pagkatok si Ethan. Alam kong gustong-gusto na niya akong makausap at ganoon din naman ako. Paano ba naman kasi? Curious na ako sa lahat-lahat ng pangyayari.

Oo, inaamin ko na, mayroon ngang nawawala sa alaala ko. Noong nasa bahay ampunan ako ay iilang senaryo lang ang nasa alaala ko. Kagaya ni Vienna na siyang nasa alaala ko dahil pinaalala niya iyong mga ginawa namin. Ang mga madre sa bahay ampunan ay nasa alaala ko pa dahil sa larawan na binigay niya. Baon-baon ko pa iyon hanggang ngayon.

Ooooo waittt!

Ang larawan!

Mabilis akong lumabas sa kusina, dinaanan ko lang si Casper at nagtungong kwarto. Binuksan ko ang cabinet doon saka hinalukay ang mga gamit na nandoon. Napangiti ako ng makita ang diary ko. Doon na kaipit ang larawang hinahanap ko.

Sanay na akong nagdi-diary noon pa man, simula ng makalimutan ko ang mga bagay-bagay.

"Sunshine orphanage." pagbasa ko sa nakasulat sa likod ng larawan.

Napangiti ako saka naupo sa kama. Halatang luma na ang kuha ng larawan dahil sa camera na ginamit dito. 2006

Kung ang taon dito ay 2006, malamang ay nasa edad na 7 pa lang ako nito, dahil ipinanganak ako noong  June 29, 1999.

SPECTER OF OUR PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon