KABANATA 3

328 39 21
                                    

"Manang! Pleasee! Wala na bang ibang kwarto dito?! Pleaseee manang!" nakikiusap kong sa kay manang Eldren.

Umiling-iling si manang Eldren. "Ineng, wala ng espasyo sa apartment na 'to at 'yong tanging sa'yo na lamang. Hindi ko nga iyon dapat pinaupahan dahil alam kong may nagpaparamdam do'n. Pero mukhang kailangan mo na ng matitirhan. Kung hindi mo kayang mag stay sa silid na iyon, umalis ka na lang at ibabalik ko ang perang binayad mo."

Maluha-luha akong tiningnan siya. "Wala na 'ho akong ibang mapupuntahan! Hindi niyo ba narinig ang balita? Nag lockdown na at hindi na ako makakaluwas sa Maynila!"

Nagkibit-balikat si manang. "Wala ka rin namang pera kapag nahuli ka ng tanod. Alam mo ba kung magkano ang multa?" pagtatanong niya pa.

"M-magkano 'ho?"

"Dito, payb tawsan 'pag nahuli ka! Ano? Aalis ka o titiisin mo na lang hanggang sa matapos ang lockdown?"

Halos bumagsak ako sa sahig dahil sa sinabi niya. Nag-aalala na nga ako sa makakain ko, nag-aalala pa ako kung anon ang makakahantungan ko. Paano na lang kung saktan ako ng multong iyon? Paano kung sa susunod ay saksakin niya na talaga ako at hindi na sa kili-kili ko?

Waaaaaaaahhhhh!!!!

Tumayo si manang at tinapik ang balikat ko. "Wag kang mag-alala. Mayroong isang tao dito sa apartment na tumutugis sa mga masasamang espisirito. Bukas na bukas, papaakyatin ko siya sa kwarto mo at papaalisin ang nagpaparamdam do'n"

Nagliwanag ang mukha ko at parang bumalik ang pag-asa ko. Masaya akong tumayo mula sa kinauupan ng kwarto nina manang at mabilis na niyakap siya.

"Thank you manang!" humiwalay ako na may malaking ngiti.

Tinarayan ako ni manang saka hinawi ang kamay niya. "Sige na! Umalis ka na!"

Nanlaki bigla ang mga mata ko sa sinabi niya. Nandito kasi ako sa silid niya at ang buong akala ko ay hahayaan niya akong dito muna pansamantala pero mali ata ako ng akala. Muling bumagsak ang balikat ko.

"M-manang.... nandoon pa iyon sa kwarto ko! B-baka kung anong mangyari sa'kin do'n! Baka saktan niya ako o ano! Pleasee... dito muna ako sa silid mo---"

"Pasensya na iha, kailangan pa rin natin ng social distancing."

Eeeehhhhhh???!!!!!

Kailangan ba talaga niyoooonnn!!!

"Manang naman eh!" pagmamaktol ko.

Nagpakawala siya ng marahas na hininga at bigla akong tinulak sa papalabas sa pintuan ng silid niya. Nagpupumiglas pa ako ngunit wala akong magawa dahil mataba siya at payatot lang ako.

Nang matulak niya ako sa pintuan ay biglaan niyang sinarado ang iyon. Nagkakakatok pa ako doon ngunit hindi talaga niya ako pinagbubuksan kahit anong pagwawala ko sa labas ng silid niya.

"M-manang naman eh!" pagngawa ko sa labas. Walang may pakialam sa akin dito sa apartment na 'to at lahat halos ay nakasarado ang pintuan.

Dahil ba 'to sa social distancing?

Waaaaaaahhhhhh!!!

Halos manigas ako sa kinatatayuan nang biglang mamatay ang isang bulb ng ilaw sa kanang bahagi ng floor.

Nanlalaki ang mga mata ko nang sumunod na mamatay doon ay ang kasunod niyang ilaw at isa pa.

Papalapit ng papalapit sa akin ang dilim hanggang sa isa na lang ang natitira kung saan ako nakatayo.

Nalunok ko na ata ang lahat ng laway ko sa lalamunan at nanlamig lahat ng paligid ko dahil sa kilabot na nararamdaman. Wala akong ingay na naririnig kundi ang ang lakas ng pintig ng puso ko.

SPECTER OF OUR PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon