KABANATA 13

205 35 11
                                    

Maya's Pov

"Gusto mong malaman kung ano ka sa akin?" balik niyang tanong.

Hindi ako nakaimik dahil sa paglapit ng mukha niya sa akin. Isang pulgada kamang ang layo at pumikit ang mga mata niya.

"Ikaw ang lahat-lahat sa akin, Mayani.."

Napigil ang hininga ko nang tuluyang dumikit ang napakalamig niyang labi sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko lalo pa nang maramdaman ang paggalaw ng mga labi niya. Para akong nabingi at walang ibang naririnig kundi ang malakas na pagtibok ng puso ko.

Hindi ako nagkaroon ng tiyansang makadilat dahil kahit na humiwalay ang mga labi namin ay pinagdikit naman niya ang noo naming dalawa. Mahigpit ang pagkakayakap ng isa niyang braso sa baywang ko.

"M-maya.. 'wag mo akong iwan.."

Maya.. 'wag mo akong iwan..

Maya.. 'wag mo akong iwan..

Maya.. 'wag mo akong iwan..

Maya.. 'wag mo akong iwan..

Naririnig ko ang lakas ng pagtibok ng puso ko. Muli kong naramdaman ang labi niya na dumampi sa labi ko. Ngunit nang mangyari iyon..

Hindi na pagtibok ng puso ko ang naririnig ko.

Kundi mga boses..

Mga boses na hindi ko mawari kung saan nagmumula..

Sumakit bigla ang puso ko at napapikit nang maramdamang lumalaban din ang sakit sa ulo ko..

'Mayani.. 'wag mo akong iwan..'

'Mayani.. maawa ka naman oh.. 'wag mo akong iwan dito mag-isa..'

'Mayani.. Nakikiusap ako.. Bumalik ka na..'

Naramdaman ko na lamang ang mainit na likidong tumutulo sa mga pisngi ko. Wala sa sariling tumutugon ako sa halik na nagbibigay ng sakit sa dibdib ko.

Hindi iyon tumitigil hanggang sa lumalakas ang mga boses na naririnig ko.

'P-pleasee.. sumagot ka sa tawag koo! Pleasee! Pleasee... Sumagot ka..'

'At saan ka pupunta?'

'T-tan... Please paalisin mo na 'ko.. Kailangan ko siyang puntahan! B-baka mapahamak siya do'n.. please..'

'Hindi ka aalis dito. Naiintindihan mo?'

'Hindi mo pwedeng gawin sa'kin to! Wala kang karapatan kaya paalisin mo na 'ko!'

'Para ano? Makasama mo na naman ang lalaking 'yon? Hindi ako papayag. Dito ka lang kasama ko.'

'Tan! S-sasama naman ako sayo eh.. Katulad ng gusto mo mangyari.. P-pero hindi ko kakayaning may mangyari sa kaniya.. M-mahal ko siya---'

'Tumigil ka! Hindi mo siya mahal, naiintindihan mo?! Dito ka lang sa akin! Tayong dalawa ang magsasama!'

'P-please.. mapapahamak siya do'n.. Hindi ko kakayanin.. K-kahit ngayon lang.. Pupuntahan ko lang siya. Please naman oh!'

'Kahit mamatay pa siya do'n. Wala akong pakialam. Hindi na kayo magkikitang muli at hindi ka makakaalis sa akin.'

'A-ang sama mo! Wala kang kwenta! Napaka-sama mo! P-pupuntahan ko lang naman siya.. P-please.. P-please.. Gusto ko siya makita.. g-gusto ko siya mahawakan.. g-gusto ko siya makasama.. kahit sandali lang.. please..'

'Kung sa tingin mong masama ako.. Paano na lang kaya ang kaibigan mo?'

'K-kaibigan ko? A-anong i-ibig mong sabihin?'

SPECTER OF OUR PASTWhere stories live. Discover now