KABANATA 9

228 39 12
                                    

"Casper! Anong nangyayari sa'yo?!" naiinis kong tanong.

Panandalian siyang natigilan. Hindi siya umimik. Para siyang nanigas sa kinalalagyan ngunit dahan-dahang umangat ang tingin niya patungo sa akin. Nanlalaki ang mga mata niya na mukhang natatakot sa akin.

"M-Mayani.... bungi.." habol hininga niyang sambit na kinalaki ng mata ko. Para ring lumaki ang butas ng ilong ko sa gulat.

"ANO?!"

Tangena? Bungi?! Watdapak!

"Mayani, bungi.. bungi.. bungi! Mayani! You're bungi!" para siyang nasisiyahan sa paulit-ulit niyang bigkas ng ganoon.

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya at nakaawang ang labi ko habang pinagmamaadan ang natutuwa niyang mukha. N-nang-aasar ba siya?

"Bungi! Oh fuck! It felt so familiar! Mayaniii! Bungiii!" malakas niyang sigaw na lalo kong kinabigla.

Putangenaaa!

"Ako ba Casper, inaasar mo?! Bakit mo ba pinagtitripan pangalan ko hinayupak ka! Bungi ba ako? Hah?! Mukha ba akong bungi?" kumukulo ang dugo kong bulyaw. Natigilan siya sa kinalalagyan at napalunok ng ilang beses. Inilang hakbang ko ang pagitan naming dalawa at binuka ko ng malaki ang bunganga, nilabas ko ang pantay-pantay kong ngipin.

"Muha hang hunge itoh!" ngongo at hindi klaro kong sambit buhat ng pagpapakita ko ngipin sa kaniya. Itinikom ko ang bunganga saka umayos ng tingin sa kaniya. "Ano?! May nakita ka bang bungi? Mukha bang 'kong bungi? Anong 'Mayani bungi' ka diyan?!"

Arrgh! Gigil mo si ako!

"B-but.. you are bungi.." makabuluhang sambit niya. Nakita ko ang paglunok niya at bakas din ang gulat sa mata niya. Nagpailing-iling siya ng bahagya habang nakayuko ang ulo. "M-mayani.. seems so familiar.. a-and the bungi! K-kusa lang iyong lumalabas sa bibig ko! Feels sooo comfortable!" namamangha niyang usal na parang hindi rin makapaniwala sa sinasabi niya.

Nagsalubong ang dalawa kong kilay.
"At saan mo naman kasi napulot ang salitang 'yon? Nababaliw ka na ba at kung ano-ano na ang pinagsasabi mo?!" pagalit kong tanong.

Umiling-iling siya. "I don't know! H-hindi ko talaga alam.. kusa lang iyong lumabas sa mouth ko! I swear... I think I really have said that before? I just have to remember!" kumagat siya sa ibabang labi at naningkit ang mga mata na wari'y nag-iisip.

Mas nagsalubong ang kilay ko. Nababaliw na kaya si Casper? Akala ko, ako lang ang may pang mental na utak.. siya rin pala. Tsk! May tumatalo sa'kin sa kabaliwan portion ahh.

"Tama na 'yan! Wag ka ng mag isip dahil wala ka namang isip! Mahihirapan ka lang." seryosong sabi ko sa kaniya.

Napasimangot siyang bigla at sumabunot sa sariling buhok. "No! I have to remember! Something's missing! Damn it!"

Napangiwi ang labi ko nang makita ang gulong-gulo niyang mukha. Hindi ko na lang siya pinag-tuunan ng pansin. Naupo ako sa sofa saka sinandal ang likuran sa dito. Hmm.. sarap sa likod. Napagod ako sa kagagala kanina at dahil wala rin akong maayos na tulog sa bulok na presinto na iyon.

Naipikit ko ang mga mata ko at ninamnam ang sarap ng pagpapahinga. Hindi ko na inalintana ang lamig na naramdaman dahil alam kong si Casper lang naman iyon.

"Bungi! Get up!"

At nagmulat ang mga mata ko sa narinig mula sa kaniya. Kaagad na nalukot ang mukha ko habang nakatingin sa kaniya na ngayon ay seryoso ang mukha.

"Anong tinawag mo sa akin, Casper?" malumanay ngunit may diin kong tanong.

Mukhang hindi niya pinapansin ang pagiging iritado ko dahil seryoso lang ito.

SPECTER OF OUR PASTWhere stories live. Discover now