Kabanata 1

5.4K 134 16
                                    

Dumilat ng mga mata si Lucas. Wala siyang ibang nakikita kundi puting kapaligiran. Nang bumangon siya ay nagtataka siya bakit tila ang gaan ng pakiramdam niya.

Animo’y ulap ang nilalakaran niya. Nahihilo siya sapagkat wala siyang makitang mga bagay sa paligid, hanggang sa mamataan niya ang dalawang pinto. Nalilito siya kung saan siya papasok.

Nang buksan niya ang pinto sa gawing kaliwa ay napaatras siya nang maramdaman ang nakakapasong init na sumalubong sa kanya. Isinara niyang muli ang pintong iyon.

Bumaling siya sa pintong nasa gawing kanan.  Nang buksan niya’y wala siyang ibang nakikita kundi puting kapaligiran—ngunit magaan ang pakiramdam niya sa pintong iyon. Pumasok siya. May nakita siyang mga bata na may mga pakpak.

“God! Nasa langit na ba ako?” bulalas niya.

Sa bandang dulo ay may nakita siyang matandang lalaki na puti ang lahat na kasuutan maging ang mahaba nitong buhok pati na rin ang mahabang balbas nito. May dala-dala itong malaking aklat.

“Welcome to Caelum Akademia!” bungad sa kanya ng matanda.

Nagmamangha siya; naguguluhimanan. “A-anong Caelum Akademia?” maang na tanong niya.

“Caelum Akademia, isang unibersidad sa Purgatoryo kung saan hinahasa at hinuhusgahan ang mga kaluluwa ng mga namatay na hindi sa takdang panahon,” paliwanag nito.

“Purgatoryo? Namatay?!” manghang tanong niya.

Nang mahinuha niya kung ano ang ibig nitong sabihin ay nagprotesta siya; nagwawala. “No! hindi pa ako patay! Hindi!” asik niya.

Mayamaya’y may dalawang lalaki na lumapit at ginapos siya—mga lalaking may pakpak at namumuti ang buong kasuutan. Nanggagalaiti siya at nagpupumiglas.

“Hindi pa ako patay!” asik nanaman niya.

Lumapit pa sa kanya ang matandang lalaki. “Lucas Hermania…hindi ka pa patay, ngunit ang iyong katawang tao ay may malubhang pinsala na natamo kung kaya’y hindi na nito kayang tanggapin ang iyong kaluluwa. Na-aksidente ka sa minamaneho mo’ng kotse. Nandito ka upang pumasok sa Akademia kung saan ay may pagsusulit kung ikaw ba ay nararapat na maging anghel na may pakpak. May mga kondisyonis tayo na dapat mong sundin,” unang paliwanag ng matanda.

“Hindi. Gusto ko’ng bumalik sa katawan ko!” protesta niya.

“Lucas, Lucas, Lucas….” anito at palakad-lakad ito sa harapan niya, “sa kaso mo, bibigyan kita ng tatlong pagpipilian. Una: maging estudyante ng Caelum Akademia, makapasa at maging anghel na may pakpak? Pangalawa: maging kaluluwa na habang buhay na idadarang sa apoy ng impiyerno? Pangatlo: maging kaluluwang ligaw na walang hustisya at lagalag sa ibabaw ng lupa?” patuloy nito.

Tumigil siya sa pagpumiglas. Napapa-isip siya. “Kung papasok ako sa Akademia ninyo, anong epekto niyon sa akin?” mahinahong tanong niya.

“Ang Caelum Akademia ay eskuwelahan ng mga anghel na gustong magka-pakpak. Lahat ng mag-aaral ay kailangang sundin ang mga alituntunin. Kung sakaling may paglabag kayong gagawin, may kaparusahang nakaamba sa inyo.”

“A-anong kaparusahan?” naguguluhang tanong niya.

“Ipapatapon kayo sa lupa at kailangan ninyong gampanan ang misyon na ipapagawa sa inyo. May mga batas din kayong kailangang sundin. Kapag hindi ninyo iyon napagtagumapayan o kaya’y may nilabag kayong kondisyonis ay maaring malagay kayo sa alanganin. Sa kaso mo naman, Lucas, dahil ikaw ay hindi pa ganap na patay, bibigyan kita ng espisyal na pagsubok sa Akademia. Kailangan mong makapasa sa mga pagsusulit upang magkaroon ka ng pagkakataon na makabalik sa katawang tao mo—ngunit hindi ganoon kadali iyon. Isa ka nang anghel ngayon ngunit wala ka pang karapatan na magkaroon ng pakpak dahil may mga kasalanan ka pang dapat i-kumpisal—na magagawa mo lamang dito sa loob ng Akademia. Dito ay mahuhugasan ang iyong mga kasalanan.

The Chronicles of the Fallen Angels 'Lucas Hermania' The Caustic Cherubim (Book 1)Where stories live. Discover now