Kabanata 11

1.9K 92 0
                                    

Nagmulat ng mga mata si Lucas, nasapo niya ang kanyang ulo na niyon ay sumasakit. Napalinga siya sa paligid. Napaliligiran siya ng mga Anghel na babae na kapwa may pinagkaka-abalahan. Bumangon siya subali’t pinigilan siya ng isang Anghel.

“Kung maari ay manatili ka munang nakahiga. Hindi pa humihilom ang mga sugat mo. Kailangan mo ng isang linggong gamutan nang sa gayun ay manumbalik ang iyong lakas,” wika ng babae.

Hindi siya nagpa-awat. Bumangon siya at lumabas sa klinika. Nasa loob na siya ng Caelum Akademia. Hindi pa siya nakaka-recover sa mga nangyari sa lupa at naroroon parin ang kirot sa puso niya, kirot na dulot ng paglayo niya kay Zaira.

Mayamaya’y may dumating na dalawang Anghel na lalaki. Inanyayahan siya ng mga ito na magsadya sa tanggapan ni San Pedro. Pagdating roon ay agad siyang iniwan ng mga Anghel. Naroroon si San Pedro at nakatayo habang nakatanaw sa labas buhat sa nakabukas na bintana.

Hinarap siya nito. “Maligayang pagbabalik sa Caelum Akademia, Lucas Hermania!” bungad nito sa kanya.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Iginala niya ang paningin sa paligid. Puting-puti ang kapaligiran. “Ano na ang susunod na mangyayari sa akin?” tanong niya.

 “Matapos ang 101 days na pananatili mo sa lupa ay nakamit mo ang tagumpay na maisagawa ang iyong misyon, subali’t marami kang mga paglabag. Dahil sa mga kamaliang iyon ay bibigyan ka ng special class kung saan ay ikukumpisal mo lahat ng mga kasalanan mo sa lupa. May mga pagsubok kang pagdadaanan at malalaman mo lamang kapag ikaw ay nakabalik na sa katawang tao mo,” paliwanang ni San Pedro.

“Kahit anong pagsubok pa iyon tatanggapin ko basta’t makabalik lamang ako sa katawan ko,” aniya.

“Babalik ka sa lupa matapos na makapagtapos ka sa Caelum Akademia. Makakamit mo lamang ang iyong pakpak sakaling maitama mo lahat ang mga pagkakamali mo noong nabubuhay ka sa ibabaw ng lupa. Bibigyan ka ng pagkakataong mabuhay sa loob ng dalampung-taon sa lupa, subali’t pagkatapos niyon, ikaw ay mamamatay at aakyat sa Purgatoryo upang tanggapin ang iyong pagpak at magiging ganap na Anghel dela Guardiya,” karagdagang paliwanag nito.

“Dalawampung-taon? Ganoon lamang ang itatagal ko sa mundo?”

“Tama, Lucas.  Dahil sa mga paglabag na nagawa mo habang nasa misyon ka, ang thirty years na buhay mo ay nabawasan ng sampung taon. Alam mo kung anong paglabag iyon, Lucas,” anito.

Hindi na siya naka-imik. Wala siyang pinagsisihan sapagkat kagustuhan niya na mapamahal sa babaeng subject niya. Gulung-gulo ang isip niya nang mga sandaling iyon. Hindi ganoon kadaling mawaglit sa isip niya si Zaira, lalung-lalo na sa puso niya.

Nagpatuloy ang pag-aaral niya sa Caelum Akademia. Nagiging malungkot ang bawat pagdaan ng mga araw subali’t habang tumatagal ay tila nagugustuhan na niya ang buhay sa Purgatoryo.

MAKALIPAS ang mahabang panahon na pag-aaral ay nakamit na rin sa wakas ni Lucas ang tagumpay na makapagtapos kasabay ang mga malalapit na kamag-aral. Nasasabik na rin siyang makabalik sa katawang tao niya.

Dalawampung taon? Napag-isip-isip niya na mahabang panahon na iyon upang makakasama niya ang pamilya niya. Hindi na siya nagprotesta pa. Lilinisin lamang niya ang mga kasalanang nagawa niya noong siya’y nasa lupa.

At sa kanyang pag-alis sa Akademia, isang pangitain ang ipinapahiwatig sa kanya ni Arch habang sila’y nag-uusap sa tapat ng lagusan.

“Mag-iingat ka sa mga taong nakapaligid sa iyon, Lucas. Maaring sila ang uudyok upang mas mapapadali mong pag-akyat sa Purgatory,” ani Arch.

“Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong niya.

“Ang mundo ay nababalot ng tukso. Kahit isa ka nang Anghel ay maari ka pa ring ma-impluwensiyahan ng mga masasamang elemento sa daigdig. Mabubuhay kang muli sa dating ikaw. Ang mga kaganapan noon bago ka maaksidente ay iyon ang natatanging rerehistro sa isip mo at wala nang iba,” paliwanag ni Arch.

The Chronicles of the Fallen Angels 'Lucas Hermania' The Caustic Cherubim (Book 1)Where stories live. Discover now