Kabanata 9

1.9K 78 0
                                    

Halos dalawang linggona ang nakakalipas na hindi nabibigyan ng misyon ng mga pulis si Zaira. Minsan naman ay tumatanggi na siya sa pinapagawa ng PDEA sapagkat merong mga pagkakataon na tila hindi niya kayang gawin ang trabaho.

Ilang araw na rin niyang napapansin si Lucas na madalas umaalis. Nang minsang sundan niya ito kung saan ito pumupunta ay nagulantang siya. Hindi siya makapaniwala na nasagap ni Lucas ang tatay niya na walang kahirap-hirap.

Kung gugustuhin niya’ng makasama ang tatay niya ay matagal nang maalwan ang buhay siya subali’t kalaban ito ng batas na pinapanigan niya.

Nahuli siya ni Lucas nang sa pangalawang pagkakataon ay sinundan niya ito sa Marikina kung saan ang kompanya ng Tatay niya. Nagulat din ito nang makita siya roon.

“Zaira, kailan mo pa ako sinusundan?” tanong nito nang magkita sila sa garahe ng naturang kompanya.

“Noong magsimula kang mag-imbestiga tungkol sa Tatay ko,” seryosong turan niya.

Napapansin niya’ng tila namamangha ito. “Teka, kung ganoon ay alam mo na narito ang Tatay mo?” tanong nito. Gilalas na gilalas ito.

“Oo, matagal ko nang alam ‘yon, Lucas, kaya huwag ka nang mag-aksaya ng oras,” aniya.

Halos hindi na nakapagsalita si Lucas. “Ilang beses ko nang pinag-iisipan kung magpapakilala ako sa kanya na anak niya ako, pero bigla na lamang akong nadehado nang matuklasan ko kung anong klase siyang tao. Galit ako sa mga katulad niya na masamang ihemplo para sa mga kabataan. Kaya ako kumapit sa batas dahil gusto kong makatulong sa mga taong nasira ang buhay dahil sa droga, pero sarili kong Ama ay siyang nagpapalaki ng kalakarang iyon. Matagal nang inaalok sa akin ng PDEA ang trabaho na siyasatin ko ang daloy ng negosyo ng Takinuri Toy Company ngunit ilang beses ko silang tinanggihan. Labag sa loob ko na kalabanin ang sarili kong ama,” madamdaming pahayag niya.

“Pero kung talagang positibo sa ipinagbabawal na gamot ang kompanya ng Tatay mo, bakit hanggang ngayon ay hindi parin niluloob ng batas ang kompanyang ito?” tanong nito.

“Hindi basta-basta napapasok ng batas ang kompanya para matukoy na positibo nga ito sa talamak na bentahan ng droga. Masyadong alerto ang mga tauhan ng Tatay ko at ang alam ko’y may kapit din ito sa ilang opisyales ng gobyerno,” aniya.

“Pero sigurado ka bang wala kang balak na makilala ng Tatay mo? Baka kapag nakilala ka niya ay mapipigilan mo siya sa ilegal na gawain niya,” suhisyon nito.

“Hindi na bale. Wala rin namang patutunguhan ang buhay ko kapag makakasama ko siya.”

“Malay mo, magbago siya sakaling makilala ka niya,” anito.

“Hindi na ako umaasa. Masaya na ako sa buhay meron ako. Kahit anong hirap ang buhay ay nakakaya ko’ng mag-isa,” aniya.

 Sinasabi niyang ayaw niyang makasama ang Tatay niya subali’t sa kaloob-looban ng puso niya ay naroroon ang pagkasabik niya na mayakap at makapiling ito. Malungkot na nakatanaw siya sa mataas na gusali na pag-aari ng tatay niya.

Nang muli niyang ibaling ang tingin kay Lucas ay nahuli niya itong nakatitig sa kanya. May kung anong hangin ang humipo sa dibdib niya. Sa isang iglap ay tumulin ang tibok ng puso niya.

Sa tuwing matitigan niya ang mga mata nito ay nag-iiba ang ikot ng mundo niya. Nagwawala ang puso niya; ang kanyang isip ay umiikot lamang sa kanilang dalawa. Sinasariwa niyon ang mga sandaling namagitan sa kanila.

Ngayon niya napagtanto na napamahal na siya kay Lucas. Pagmamahal na inaasam niya’ng panghabang-buhay. Subali’t may kaba’ng namamahay sa dibdib niya, kaba na tila umiigsi ang mga panahon na makakapiling niya ito.

The Chronicles of the Fallen Angels 'Lucas Hermania' The Caustic Cherubim (Book 1)Where stories live. Discover now