Chapter 5: Secret Revealed

69.6K 1K 188
                                    




Pagpasok ko ng kotse, pinaandar ko agad iyon at sinundan ang kotse ni Zelle. Siya naman kasi iyong may alam kung nasan si Kevin.


Si May kay Zelle nakasakay habang si Aya naman nakasakay sa kotse ko.


“Palagi bang naglalasing si Kevin?”


Tanong ko kay Aya habang nagmamaneho ako.


“Gabi gabi Mia. Wala na siyang ibang ginawa mula nong mawala kundi ang hanapin ka at magpakalasing.”


Ang tanga tanga ko talaga.


Bakit hindi ko naisip na gagawin iyon ni Kevin?


Sobrang guilt ang naramdam ko non. Kung maibabalik ko lang sanaang panahon at ang oras.


Dahil malayo ang tinitirhan namin sa dati naming tinitirhan, umabot ng dalawang oras mahigit bago kami nakarating sa bar na sinasabi ni Zelle.


Agad na kaming lumabas ni Aya sa kotse ko at sinundan sina Zelle papasok sa bar.


“Ma’am. Pasensya na po talaga. Wala na po kasi akong alam na pwedeng tawagan maliban sa’yo.”


Sabi nong waiter.


“Okay lang kuya. Magkano pala ang babayaran niya?”


Tanong ni Zelle.


Kinuha ni Zelle iyong wallet niya at umakmang bayaran ang mga nainom ni Kevin pero pinigilan ko siya.


“Huwag na Zelle. Ako na iyong magbabayad.”


Sabi ko.


“Okay lang sa’kin Mia.”


“Please Zelle. Hayaan mo na ako.”


Pinilit ko si Zelle kaya wala nadin siyang ibang nagawa kundi ang pumayag. Ang totoo, sobrang nahihiya ako kay Zelle.


Siya iyong palaging tinatawag pag lasing si Kevin. Siya iyong palaging naaabala. At kung tutuusin, hindi naman kasalanan ni Kevin kung bakit siya naging abala kay Zelle. Kasalanan ko.


Kung hindi ko lang sana iniwan si Kevin, hindi siya naglalasing ng ganun at hindi maabala si Zelle.


Bakit kasi ang tanga ko?


Bakit kasi hindi ko ginagamit ang utak ko?


Balik kasi ang boba ko?


Kinuha ko na iyong wallet ko mula sa bag saka ko binayaran iyong mga nainom ni Kevin.


“Salamat pala sa pagtingin sa kanya Kuya. Tip niyo po.”


Inabot ko iyong sukli na natanggap ko.


“Hindi na po kailangan Ma’am.”


“Sige na Kuya tanggapin mo na. Kung tutuusin nga kulang pa ‘tong ibinigay ko sa inyo.”


Tinanggap rin ng waiter sa huli ang inabot kong konting pera.


“Salamat po Ma’am. Kaano ano niyo po ba si Sir? Girlfriend ka po ba niya?”


Gusto kong tumango sa tanong ng waiter.


Pero hindi ko alam kung may karapatan pa ba akong tawaging girlfriend ni Kevin. Hindi ko alam kung anong estado ng relasyon namin.

Memoirs of the Casanova's Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon