Chapter 10: New Bestfriend

53.6K 664 60
                                    




“Pano ba gawin iyon?”


Tanong ko kay Maricar pero ngumiti lang siya. Tinitigan ko naman si Kevin.


“Bakit? May dumi ba sa mukha ko?”


Tanong ni Kevin sa’kin dahil sa kakaiba kong titig sa kanya.


“Wala naman. Gusto ko lang sabihin sa’yo na pwede akong ikiss ni Sandy pero bawal ka.”


Sambit ko sa kanya.


“Bawal? Bakit naman?”


Sa loob loob ko natawa ako ng husto dahil sa kakaibang reaksyon ng mukha ni Kevin. Para kasing hindi niya maintindihan ang dahilan ko kung bakit ko siya binawalan. Iyong mukha niya, parang gusto niya talagang makipaghalikan kay Sandy.


“Obviously lalaki ka at babae si Sandy kaya bawal. At isa pa, may asawa ka na noh.”


Pagpapaalala ko sa kanya.


Napakaironic dahil sa totoo naman talaga eh hindi kami kasal ni Kevin. Walang bisa iyong kasal namin at kung tutuusin pwede naman talaga siyang makipaghalikan kay Sandy o kahit pa sa isang totoong babae in human form. Pero dahil napagusapan namin na balikan nalang namin kung ano iyong dating samahan namin, I still consider myself na asawa ni Kevin at legal at kasal namin.


“Ahahaha! So nagseselos ka niyan?”


Tanong niya sa’kin.


Pero sa halip na sagutin ko iyong tanong ni Kevin, tumahimik lang ako.


“Silence means yes so nagseselos ka talaga. Halika nga dito..”


Hinila ni Kevin ang mga kamay ko para ipalapit ako sa kanya saka niya ako niyakap ng mahigpit.


“Sabi ko naman sa’yo noon diba na ikaw ang boss kaya kung anong sabihin mo, susundin ko. Kahit na ang cute cute ni Sandy at ang sarap sarap niyang yakapin. Hindi ako makikipaglandian sa kanya dahil ayaw mong pumayag.”


Niyakap ko din si Kevin pabalik pero humiwalay din ako kaagad dahil nakakahiya sa mga taong nasa paligid namin.


“Grabeh naman iyong word mo ha. Makipaglandian. haha! Pero ang ganda naman talaga ni Sandy. Wala akong laban sa kanya.”


“Ehem!!..”


Parehos kaming napalingon ni Kevin kay Jay pagkatapos niyang iklaro iyong boses niya para ipaalam sa amin ni Kevin na andun pa sila kasama namin.


“Sorry.. hehehe..”


Paghingi ko ng pasensya.


“So pano pala?”


Tanong ko ulit kay Maricar.


“Kailangan mo lang hagurin si Sandytapos ilapit mo iyong pisngi mo sa kanya. Pag gusto ka niya, hahalikan ka niya sa pisngi.”


Sabi ni Maricar.


“hahahah!!! Akala ko talaga lips to lips eh. Grabeh naman iyong imagination ko. haha. Kevin, pumapayag na akong makipaglandian ka kay Sandy..”


Bulalas ko sabay tawa.


Ang OA ko talaga mag-isip. Natawa nalang ako sa sarili ko dahil para talaga akong baliw.


Sinunod ko na iyong sinabi ni Maricar. Hinaplos ko si Sandysaka ko nilapit iyong pisngi ko sa kanya para halikan niya ako.


Confident ako na gusto ako ni Sandy at hindi naman niya ako binigo. Hinalikan niya talaga ako. At dahil sa sobrang pagkatuwa ko, nahanap ko nalang ang sarili ko na niyakap si Sandysaka ko siya hinalikan.

Memoirs of the Casanova's Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon