Chapter 11: Prank

51.8K 608 66
                                    





Pagdating namin ni Kevin ng bahay, natulog agad ako dahil sa sobrang pagod. Ewan ko lang talaga kung napagod ba ako dahil sa ginawa namin sa Sandy’s World o dahil sa mahabang byahe namin.


Hindi man lang ako nakapag hapunan. Naalala ko na ginising ako ni Kevin para makakain man lang daw ako pero hindi ko na mawari kung totoo ba iyon o panaginip ko lang.


Nagising ako ng hating gabi dahil sa bigla akong nakaramdam ng uhaw at dahil nadin sa sobrang init. Akala ko nga nakapatay iyong aircon pero hindi naman pala.


“Kevin?”


Mahina kong tinapik ang braso ni Kevin pero hindi siya nagising.


“Kevin? Samahan mo naman ako.. Natatakot akong bumaba para uminom ng tubig. Pano kung may mumu don? Pano kung kainin kami ni Baby ng mumu?”


Narealized ko na para lang akong tanga na nagsasalitang mag-isa. Bakit pa ako nagsasalita at nagpapaliwanag eh tulog naman iyong kausap ko. Obviously hindi niya ako narinig dahil nasa dreamland pa siya.


“Haayy!!!”


Napabuntong hininga nalang ako dahil hindi talaga nagising si Kevin.


Hinaplos ko iyong tiyan ko saka ko kinausap si baby.


“Wala naman sigurong mumu don baby noh? Tayo nalang dalawa ang bumaba. Basta ha, huwag mong takutin si Mommy. Pag may nakita kang hindi ko nakikita huwag kang sumigaw dahil baka mahimatay ako sa takot.”


Ganun lang talaga siguro ang pakiramdam pag nagdadalang tao ka. Para kang baliw dahil kinakausap mo ang isang taong hindi naman nakakapagsalita pabalik sa’yo.


Kinuha ko iyong flashlight sa drawer saka ako bumaba ng kusina para uminom ng tubig.


Pagkatapos na pagkatapos kong uminom, agad kong binalik sa refrigerator ang pitsel. Nagmadali akong lumabas ng kusina para makabalik na ako agad sa kwarto namin. Pero hindi pa ako nakarating sa hagdanan namin ng mapahinto ako.


“Baby? Naririnig mo ba ang naririnig ko?”


Ayokong magpadala sa takot ko pero hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko. Agad agad akong tumakbo papunta sa hagdanan para bumalik sa kwarto namin ni Kevin.


“Kevin? Kevin?”


Lumakas ang tibok ng puso ko ng makita kong wala na si Kevin sa kama namin. Lumingon lingon ako sa paligid pero wala talaga siya. Binuksan ko din iyong banyo namin pero wala parin siya.


“KEVIIINNNNN!!!!!”


Sumigaw ako ng malakas para marinig niya ako kung nasan man siya pero wala paring sagot mula sa kanya.


“Paano kung? Paano kung kinain na si Kevin ng mumu? Sigurado ako boses ng mumu iyong narinig ko kanina..”


“Pero.. Baka hindi pa huli ang lahat. Baka.. Baka kinidnap lang siya.. Kailangan kong hanapin si Kevin..”


Kahit na sobra iyong takot ko, bumaba parin ako hawak hawak ang flash light.

“Kevin??”


*ek!! ek ek ek ek!!*


Narinig ko na naman ang boses na narinig ko nong una. Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan dahil don. Parang gusto ko ng bumalik sa taas at magtago nalang pero pag hindi ko pinagpatuloy ang paghahanap ko kay Kevin. Baka hindi ko na siya makita.

Memoirs of the Casanova's Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon